25th Hour
Sa bawat araw may tagpo
Ngunit lagi akong nilalaro
Isip (ko'y) di huminahon
"Paano kung", sa akin ay bulong
Marahil sulyap sa itinakda
Sa ibang mundo nakatadhana
(Kaya't) sa ika-dalawampu't limang oras
Mga sandaling 'di masusukat
Sasabay nalang sa kumpas
Tanging saksi'y alon sa dagat
Wag na sanang magwakas
Lagi (na) lang maghihintay
Pagkakataon, kay tagal
Kapag naabot-kamay
Ikot ng mundo'y bumabagal
Marahil sulyap sa itinakda
Sa ibang mundo nakatadhana
(Kaya't) sa ika-dalawampu't limang oras
Mga sandaling 'di masusukat
Sasabay nalang sa kumpas
Tanging saksi'y alon sa dagat
Kahit di mag iiwan ng bakas
Mga matang may alinlangan
sa (mga) tala na lang mag-aabang
Paniwalaan mga saglit na may kinang
Kahit tayo lang ang may alam
Marahil sulyap sa itinakda
Sa ibang mundo nakatadhana
(Kaya't) sa ika-dalawampu't limang oras
Mga sandaling 'di masusukat
Sasabay nalang sa kumpas
Tanging saksi'y alon sa dagat
Dadamhin na parang wala nang bukas
(Wag na sanang magwakas)
(Di mag iiwan ng bakas)
...
020924












