10 Hindi Pangkaraniwan Salita sa Filipino
1. Halgambilang (Grades or Scores): Nangangahulugang grado o iskor.
Halimbawa: Nararapat lamang na makakuha si Maria Eleste ng mataas na halgambilang sapagkat siya ay tunay ngang nag-ensayo para sa pagsusulit.
2. Awanggan (Infinity): Walang hangganan; walang limitasyong lawak ng panahon, espasyo, o dami.
Halimbawa: Ang pamamaraan sa kabilang buhay ay awanggan.
3. Siphayo (Utmost Failure): Nangangahulugang labis na pagkabigo.
Halimbawa: Tunay ngang siphayo lamang ang dala ng isang tulad mo.
4. Balintuna (Unbelievable): Hindi kapani-paniwala; isang bagay na mahirap paniwalaan.
Halimbawa: Ang mga duwende, mahika, at multo ay tunay ngang balintuna.
5. Estrelya (Stars): Katumbas ng salitang bituin o tala.
Halimbawa: Binibini, tignan mo ang kalangitan, puno ng maririkit at maliliwanag na estrelya.
6. Adhikain (Aim or Goal): Ang katagang ito ay nangangahulugang pakay, layunin, at kagustuhan.
Halimbawa: Adhikain kong haranahin ang marikit na dilag sa katabing baryo.
7. Hatinig (Telephone): Isang instrumento para sa pagpaparami ng mga tunog sa malayo.
Halimbawa: Maaari mo bang iabot ang hatinig? Upang makausap ko na ang iyong ina.
8. Pahimakas (Farewell): Ang salitang ito ay nangangahulugang huling pamamaalam o last farewell sa wikang Ingles.
Halimbawa: Dahan-dahan kong hinaplos ang kaniyang mga kamay tanda ng aking pahimakas.
9. Marikit (Beautiful): Ang salitang marikit ay nangangahulugang maganda.
Halimbawa: Si Imy ay isang marikit na dalaga.
10. Panyeta (Comb): Suklay; isang piraso ng plastik, metal, o kahoy na may mga ngipin, ginagamit para sa pag-aayos ng buhok.
Halimbawa: Nagmumukhang presentable ang isang tao kapag ito ay gumagamit ng panyeta.