parang alam ko na ang mangyayari, pero naghintay pa rin ako..
Show & Tell

blake kathryn
ojovivo
Sade Olutola

pixel skylines
art blog(derogatory)

JVL
DEAR READER
No title available

oozey mess
will byers stan first human second
Game of Thrones Daily
TVSTRANGERTHINGS
cherry valley forever

Kiana Khansmith
Cosimo Galluzzi
hello vonnie

Janaina Medeiros
Keni

tannertan36

seen from Sweden
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from Spain
seen from United States
seen from Germany
seen from United States

seen from Germany

seen from United States

seen from Germany

seen from United Kingdom
seen from United Kingdom

seen from Türkiye
seen from United States
seen from Venezuela
seen from Venezuela

seen from Malaysia

seen from Malaysia
seen from Germany
@phantomdain
parang alam ko na ang mangyayari, pero naghintay pa rin ako..
It's funny to know that you are not doing anything for me not to feel this way.
Dun muna sa wala
Samahan mo akong gumawa ng wala
Magbabad sa musikang nagdudulot ng luha
Walang salita, walang gawa
Sabay tayong magpakalunod sa wala
Kalimutan muna nating panandalian ang mundo
Dun muna tayo sa tumatakbo sa ating ulo
Sa walang iyak, sa walang galak
Yung swabe lang ang tibok, hindi palpak
Nakakapagod na kasi minsang mag-isip
Yung piliting sagutin ang tanong na "bakit"
San galing ang galit, sino bang pumipilit
Sa bawat sakit, ano bang kalakip
Kaya samahan mo nalang muna ako
Gumawa ng wala, kalimutan ang mundo
Walang salita, hayaan ang luha
Baka maintindihan din natin sa dulo
Palubog ang Araw
Lumipas na ang panahon para sa inyo
Bumakas na sa mga kulubot ang nakaraan
Mga pag-ibig na iniwan, araw na nailaan
Mga kalyo sa kamay na nagsasabing “kami naman”
Batid namin ang mga hirap
Sa mga nanlalabong mata’y nangungusap
Sa marupok na buto, or nangangatal na mga braso
Ramdam namin ang mga pangarap nyong binuo
Kaya andito kami, bago lumubog ang araw
Inaabot aming kamay, handa kaming dumamay
Natatanaw man ang huling sandali ng buhay
Hayaan nyo kaming inyong makaakbay
Mga sandaling hindi nyo na naaalala
Mga nakalipas na binabakas nlng ng luha
Nandito kami, inaalay aming tenga
Sa mga kwentong di na mabigkas pa
Mga lugar na hindi mo na makita
Di na maaninag ng inyong mga mata
Hayaan nyo kaming sa inyo’y maparanas pa
Ang buhay na dahil sa inyo ay sumagana
Maybe someday, someone will tell stories of how good you are. But until then, be good.
Tagal
Ang tagal ko ng nag-aabang, noon pa ako pa ako naghihintay ng tamang pagkakataon, ng tamang oras at panahon magkaroon ng tamang rebelasyon yung mapansin mo ang ibig sabihin ng aking galaw, ng bawat bitaw maging ng bawat kapit, na sa bawat pagpikit ay marinig mo ang pusong umaalingawngaw na lahat kayang gawin para sayo, Yung sana maisip mo na may tayo, kahit na ngayon eh parang hindi ko na maramdaman na may ako hindi naman ako malayo, hindi rin naman ako lumalayo pero sa bawat segundo, oras o minuto na magkasama tayo lalong lumalawak ang distansya, teka ano ba, kailangan ko na ba ng ambulansya nauubos na ang pasensya dahil hindi ko na mapigil kanina pa ako nanggigigil na ipahiwatig sayo Eto na nga sige na, hindi na ako magpapaligoy ligoy pa sige na oo na, aaminin ko na dahil oo noon pa mahal na mahal na kita kaya sana.. sana..
Dati
Noong unang panahon, sinubukan kong manligaw. Classmate ko sya nung first year high school. Maganda sya, di masyadong matalino, pero mabait sya sa akin.
Konti lang ang mabait sakin noon. Kasi nga wirdo daw ako. Naka polo Barong ako, pinaglumaan ng tatay ko kasi wala naman kameng pambili ng polong tituron. Tinahian nalang ng nanay ko ng school patch kahit wala nmng bulsa yung Barong. Mahalaga naman may uniporme. Close neck, medyo hindi fit na pantalon saka sapatos na itim. Walang porma, walang dating. Mukha pa ding elementary, hindi na nakashort, pero naka puting medyas pa din. Ayos lang. Hindi naman kasi talaga ako pumupunta ng eskwela para pumasok, nandoon ako para mag-aral.
Meron akong malaking backpack, gamit ko pa yun simula Elementary ako. Batang X pa yung naka disenyo sa harap. May mga konting butas, pero nasulsihan naman. Alam ko kailangan ko yun, kasi hindi naman kami mayaman. Nag-aaral ako sa public high-school. At dahil nga public, bibigyan ka nila ng mga librong galing sa lumang library. Pero hindi naman dun kukunin yung lessons. Wala lang, masabi lang ng gobyerno na may libreng libro. Sariling sikap pa din talaga kung gusto mo matuto. Mga kwaderno ko nun eh recycled mula sa pinagsama-samang pahina ng spiraled notebook na hindi pa nasulatan noong grade 6. Binalutan nlng ng art paper depende sa subject, kaya hindi din naman halata kung alin ang bago sa luma. Hindi rin ako mahilig magsulat, kaya tumatagal naman yung mga yun sakin.
Best friend ko nun si Manuel L. Quezon. Sya kasi baon ko araw-araw, kulay kahel na perang papel. Madalas sapat lang sa pamasahe saka konting biskwit. Minsan pang photocopy ng libro na hindi kayang bilhin, or yung hiniram sa library. Sabi ko nga, nandun yung lessons, wala dun sa mga pinamigay na libro. Minsan nakakaipon kahit dos sa isang araw, sobrang sukli o minsan 123 sa jip. Nilalakad ko nlng din minsa mula Eskwela hanggang hi-way kesa mag tricycle. Pag ganun, pwede pang mag-isaw o kaya lugaw. Pag maswerte, with egg.
Pero yun na nga, nag-aral naman ako. Nagkaroon ng assessment kaya mula section 5, nilipat ako sa section 4. Natapos ang buong taon, awa ng Diyos nakapasok naman ako sa top 3. Di ko na pinilit kasi may monarchy na nun eh, mga estudyanteng gagawin lahat maging top 1 and 2 lang sila. Mga legit na section 4 ba, eh ako nalipat lang ako. Ayoko rin ng gulo, kaya medyo di na ako nakipag kompitensya. Madami ding bully, making fun of me. Arti. De, ano lang. Lagi lang ako napagttripan. Pero dahil napatunayan ko naman sarili ko sa mga reports, group activity saka mga exam, eh nabuo naman din yung respeto sakin ng mga classmate ko. Tapos syempre kampi ko mga titser ko kaya yun, di na nila ako inaano.
Pero yun nga minsan may nagsisigasigaan lang din. Dun pumasok si crush, pinatulan nya yung bully tpos pinagtanggol ako. Oh db, iba. Yung maliit na yun, maputi, maikli buhok, eh naging sobrang tapang. Kaya ko sya crush, kasi nga hero ko sya. Princess in shining armor ba.
Mag end na naman nun yung first year eh. Tapos nasabi nya na lilipat na sya ng private school. Agree naman ako, kasi yung ganung itsura hindi bagay sa eskwelahan namen. She deserve better. Kaya yun, bago mag summer habang kuhaan ng cards eh nag bye naman sya sakin.
Tapos yun na nga. Pumasok sa isip ko manligaw. Alam nyo naman na yung mga kilig moments eh sa high-school nag-uumpisa. Kaya sinubukan ko, may selpon number naman sya na binigay sakin. May selpon tatay ko nun, Nokia. Kaya baka pwede. So yun, nung natutulog tatay ko kinuha ko phone nya. Piso per text nun, alam ko limampiso lang load ng tatay ko. Kaya sinamarays ko yung sasabihin ko sa 120 characters na text. Yun nga, sabi ko "Hi, Daniel to. Clasm8 mo nung 1st yr. Alm q sa priv8 ka na mag-aral pero subukan ko pa din. Pwede ba ako manligaw? c",)" saktong 120 characters. Umaga nun, wala agad reply so inisip ko baka tulog pa. Binalik ko nlng yung selpon ni papa at baka hanapin, tulog pa naman sya.
So ayun, tipikal na araw yung natapos. Nag-igib ako ng tubig, nagsaing, kumain. Nag paligo ng aso, nagdilig ng halaman, nagbantay ng kapatid. Tipikal na gawain ng kuya. Umalis si papa dala selpon nya, kaya hindi ko alam kung si crush ba eh nagreply na. Kung oo man, sana di mabasa ni papa. Patay ako pag nagkataon.
Umuwi na si papa, mag aalasyete ng gabi. Luto na sinaing ko nun nung bigla akong tinawag ng mga magulang ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Kinakabahan ako. Yun na nga. Sinigawan na ako "ANG BATA-BATA MO PA NANLILIGAW KA NA! DI KA NAMIN PINAPAARAL PARA LUMANDI! ANO MAG AASAWA KA NA?"
so yun, nagtanong ako "Ano po bang sabi?".
"OH AYAN! BASAHIN MO!" sabay abot sakin ng selpon.
Binasa ko. Sabi "Ang kapal m0 nmn para manligaw sqn eh ang pang8 pang8 mo".
Yun, nanlumo ako.
Sabay sigaw ng tatay ko "MANLILIGAW KA LANG, BASTED KA PA!" Tapos yun, natawa na sila.
Inabot ko yung selpon, tpos lumabas ako ng bahay. Nagpunta ako sa ilalim ng puno tpos dinagukan ko na lang sarili ko. Umuukilkil sakin yung text. Naluha na lang ako bigla, ayaw na tumigil. Sinasabi ko sa sarili ko "ang kapal kasi ng mukha mo eh ang pangit pangit mo". Di na ako kumain nung gabing yun.
Yun yung unang heartbreak ko. Simula nun, di na ako nanligaw hanggang sa makatapos ako ng pag-aaral. Di na ako nag-assume. Di kasi porket mabait sayo eh mabait talaga. Based on experience na din. Sumusulat pa din naman ako ng mga loveletters nun, pero nagpapabayad ako. Nagbibigay pa din ng mga flowers, pero di ko kilala yung binibigyan ko. Pinaaabot lang. Ginawa ko nlng negosyo pagiging romantiko ko, di naman kasi yun para sa mga tulad ko.
Ulit
Balik ka sa umpisa Umpisang mahirap at mabilis ka mapagod Hihingalin ka at mangangatal Pero ang mahalaga, naguumpisa ka na ulit
Alam kong ilang beses mo ng sinabi “Ayoko na“ at “Di ko na kaya“ Na nagduda ka kung may mararating ba talaga, o kung kaya mo pa.. Sana...
Pero tandaan mo sana Na hindi lahat ng bagyo sumisira ng mundo Minsan parte lang sila ng proseso, ng tao, ng tayo Bubuhos ng malakas pero di magtatagal, Matutumba, mabubuwal, pero di mapapagal
No matter how much effort you put in, the quality of it is the real deal.
Phantomdain
Hey, do yourself a favor and stop thinking of how inadequate you are. Pat yourself on the things you have accomplished rather than punishing yourself for the things you didn't achieve.
phantomdain
Take Care!
make yourself shine through the dark..
Do what’s best for you..
Didn’t go as planned and that’s ok :)
I realized..
That we tend to be sad, emotional and somewhat an overthinker when we got too much time in our hands. When we do nothing... When we became complacent and comfortable. We tend to worry about things because we have time to worry about them. At least that is how it is in my case.
Escape this by making yourself busy “and” productive. Stop asking yourself permission to do things, it will only bring you doubts. As the late Grace Hopper once said, “If it's a good idea, go ahead and do it. It's much easier to apologize than it is to get permission.“
Hinaing
ano ba ang iyong mga mithiin?
mga bagay na paulit-ulit mong isinasalin
sa panaginip, sa dalangin,
sa mahabang papel ng tila
walang katapusang listahan ng mga hiling
hinaing na laging mong bukambibig sa twing ako’y iyong kakausapin
patuloy mong inilalatag lahat ng yong plano
na umansenso, maging magarbo, makasakay sa eroplano
maging sikat sa sarili mong entablado
Entabladong nasa ‘yo ang ilaw
walang bida kundi ikaw, nakakasilaw
at paulit-ulit ko mang himayin
pagbali-baliktarin
ang mga salitang inuukit ng iyong mga labi
ay hindi ko na makita ang liwanag
ng ako
ng tayo
madilim
tila nilamon ka na nang yong mga mithiin
ni hindi mo na makita
na sayong tinatahak na daan ay may nakaambang patalim
ang bangin ay malalim
matulin
ang yong mga lakad na tila gusto mong kumawala sa aking mga yakap
dahil ang nais mo na lang ngayon ay umayon sa sistema
na maging masagana, magkapera
mga kagustuhang hindi ko lubos maisip kung saan ba talaga papunta
Hindi ko naman sinasabing wag kang himiling
Ang nais ko lng nmn ay makapag usap tayo
di lang dahil meron kang hihingin
Kundi dahil ako’y mahal mo rin