Hey Stephen, I could give you fifty reasons Why I should be the one you choose. All those other girls – Well, they're beautiful But would they write a song for you?
Voiceless talaga ko pag may nagugustuhan ako. Like, hindi talaga ko aamin na may gusto sayo, minsan nga baka ma-feel mo pang ayaw kitang kausap. Hindi kasi ako showy, depende nalang kung lagpas na talaga sa “like” stage, yung tipong gusto ko ako nalang din yung gusto mo. Gusto kita laging kausap. Yung handa akong magmukhang tanga, mapatawa ka lang. In short, mahal na kita. Kaso hindi ata ako marunong ‘non. Palpak ako pagdating sa ganyan. Oo, magaling ako mag-advice sa mga kaibigan ko pag may problema sila sa love, dahil simple lang naman kasi magbigay ng payo at sa tingin ko yung mga nasasabi ko sakanila, galing rin kay God ‘yun.. ginawa niya lang akong instrumento. Pero pagdating sa’kin, hindi ko na talaga alam. It’s either, masasaktan ako o masasaktan ka. Kaya tulad ng dati, isusulat nalang lahat ng ito at gagawing kanta. Na kahit walang makarinig at maiimbak lang sa “left unsaid box” ko, okay lang. :)