Ang Blog na ito
Ang blog na ito ay nilikha upang maging sisidlan ng mga liham na hindi maipadadala, hindi maipadadala kailanman sa taong inaalayan. Ito rin ay tambakan ng kalibugan (mukhang mas marami ito) na mananatiling lihim at nakakubli sa dilim ng gabi, ang mga aninong katabi, na hindi maaabot ng liwanag at kahit ng katiting na sinag.
Ito ang lumalangoy at buhΓ‘y, tuwing pikit ang mga mata. Ang isip na malikot ay hindi napatatahimik, at lalong hindi nakaaapuhap ang damdaming lunod sa pakiramdam.
Kalat.












