College Stereotyping: DLSU Edition
Tatlong buwan na ang nakalipas mula noong ako'y unang nakatungtong sa De La Salle University bilang isang ganap na estudyante ng naturang pamantasan. Talaga namang nakalulula ang kolehiyo sapagkat sa loob ng tatlong buwan na ito ay naranasan ko ang hagupit ng midterms at ng finals, maglakad sa bahang hanggang tuhod, paggastos ng isang libong piso sa loob ng isang araw para sa isang minor subject, pumasok ng walang tulog, sumali sa dalawang professional orgs, maging miyembro ng isang political party, at ang sakit ng pagkatalo sa UAAP ng Green Archers. At siyempre, sa loob ng tatlong buwan din na ito, may mga ilang bagay akong napatunayan, at itong mga bagay na ito ang bumali sa una kong impresyon sa aking pinapasukang unibersidad.
Ito ay ang mga sumusunod:
1.) Lasallians are so conyo like grabe talaga they can't speak straight na English and they're like so maarte I wanna puke!
Kahit saan naman siguro may mga maaarte at conyo. Pero 95% ng mga nakakaharap ko araw-araw ay hindi naman conyo o maarte. Kung gamay sa tagalog, talagang nagtatagalog naman. Pero kung mas gamay sa ingles, diretsong ingles din naman kung magsalita. Siguro mga dalawang tao palang ang nakilala kong trying hard (na mag-ingles). Siguro naste-stereotype lang talaga ang mga Lasalyano bilang maaarte kasi malaking porsyento ng student population ang may kaya sa buhay. May kakilala nga ako na designer bags ang ginagamit on a daily basis eh! Sa aking palagay, normal na lang kasi sa kanila ang gumamit ng mga ganoong bagay kaya nababansagan silang sosy. Pero kung kikilalanin mo naman sila, eager din naman silang makipagkaibigan. Nangingibabaw lang talaga ang pagiging mapanghusga natin.
2.) Lenient sa La Salle. Petiks-petiks lang pare! Sisiw!
Ay aba kung sino mang gago ang nagsabi nito, may you rot in hell! Letse kulang na nga lang gumapang ako papasok ng unibersidad kasi dalawang oras lang ang tulog ko noong nakaraang gabi! Yung mga nagsasabi lang siguro na petiks, sila yung mga laging nagka-cutting classes. Malamang di ba kung lagi ka nga namang absent, eh di petiks talaga kasi wala ka namang pinapasang requirements! Yung iba namang nagsasabi nito, sila pa 'tong mga di pa nakakapag-aral sa DLSU ... Respeto nalang.
3.) Pagpaparty at pagha-Happy Thursday lang talaga ang alam nilang gawin.
We pray hard, we work harder, we party hardest. Magaling lang talagang mag-balanse ng oras ang mga Lasalyano.
4.) Mayayaman lang naman yang mga taga-La Salle na yan eh. Pero bobo yang mga yan!
Una sa lahat, walang taong bobo. Mahina siguro meron. Pero ang punto kasi dito, kahit siguro na pumasok kaming mahihina, lalabas naman kami na magagaling. Nagiging mapurol lang naman talaga ang mga estudyante dahil hindi naging epektibo ang paraan ng pagtuturo ng kanilang mga guro. Pero real talk ito ah. Namangha akong tunay sa pagiging bihasa ng mga Lasalyano sa pagharap sa iba't-ibang uri ng tao. Masasabi ko rin na may delicadeza ang mga mag-aaral dito dahil pormal sila pag nagpapakilala. Lagi silang nakikipag-shake hands! Mukha nga lang silang nangangampanya palagi pero ang ganda tignan. Hindi sa pagiging biased, pero down to earth ang mga estudyante dito. Walang yabang sa katawan.
Ito ang ilan mga bagay na nais kong bigyang linaw tungkol sa pangste-stereotype na ginawa ng mga tao (kabilang ako) sa DLSU. Siguro ay masyadong maikli ang tatlong buwan ko bilang estudyante para makapagsulat ng tulad nito. Pero sa aking palagay, ito na ata ang perpektong oras para i-post ito, habang hindi pa ako masyadong nagiging biased at hindi pa ko masyadong nako-consume ng nakamamatay na school pride.












