Chasing Pavements
9 months. Alam kong alam mo na mahal kita. Mahal na mahal. Hindi ko gustong ako ang unang bumitaw sa kung ano mayroon tayo. Iniisip ko palang na mawala ka, naiiyak na ko. Bakit? Siguro dahil mahal kita? Siguro dahil gusto kong pang hawakan ang kung ano meron tayo noon? Siguro dahil ayaw kong itapon ng ganun na lang ang 9 months.
9 months. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang mapagod. Kung bakit kahit na nagawa mo na akong lokohin at lahat, mahal parin kita at magagawa ko paring patawarin ka kung hihingi ka ng tawad. Pero, hindi. Hindi mo yata alam ang salitang yun. Pero andito parin ako, minamahal ka.
Sabi ng mga kaibigan ko, I deserve better. Totoo yan, I deserve better. Pero pag nagmahal kasi ako – tunay at totoo. Kaya kahit ginagago mo na ko, mahal parin kita.
Naniniwala ako na pag nagmahal ka ng tao ay di ka dapat basta-basta na lang susuko, pero siguro kung palaging ganito, and pagmamahal ko ay kusa na rin lang din na maglalaho. Gusto kong maniwala sa mga binitiwan mong mga salita at pangako, pero hindi ko alam kung hanggang saan ko makakaya na ganito tayo.
Nag aantay akong mag send ka ng message. Nag aantay ako ng tawag mo. Nag aantay ako na kamustahin mo ko. Nag aantay ako sayo. Palagi. Pero bakit kailangang araw o linggo ang lumipas bago mo ko i-contact. May halaga pa ba ko sayo?
Ang dami kong tanong. Ang dami kong gustong malaman. Pero natatakot ako. Natatakot akong malaman ang mga sagot dahil alam kong masasaktan lamang ako. Siguro maigi na ang ganito, pero kung tunay ang pagmamahal, hindi ba dapat ay honest ka…
Sa ngayon hahayaan na muna kita, hiniling ko sayo na i-block mo ko para mas Madali sakin and mag move-on at makalimot ng hindi ako paulit-ulit na nasasaktan. Yun nalang sana, kahit yun nalang sana ang pwede mong magawa sakin. Pero hanggang sa huli, selfish ka. Ako parin and magpapaubaya.
Ako na, ako na ang kusang mananahimik. Mag a-uninstall muna ako ng mga social media accounts ko. Eto siguro ang kailangan ko. Katahimikan, kapayapaan habang hindi pa ako tuluyang nauubos.













