Ang lamig pero ang aga ko din nagising hay if hindi lang talaga nahacked accoung ko siguro di ako ganto ngayon. βΉοΈ Sobra sobra na talaga anxiety ko tapos nainis pa ko kaninang umaga kasi tinanong ko ulit si Mama kung napapirmahan na ba kaso wala pa din daw. Sobra na kong naf-frustrate talaga tapos nag-away pa si mama tska papa kanina kasi gusto na nga ni mama na ayusin yung pag file sa Pampanga nga kaso sabi lang ni Papa na wag na daw intindihin ni Mama yun, sya na daw bahala. Hay bahala na nga sila, sobra na din ako pagod tanungin araw araw kung pano na ba mangyayari nga. Pag may nangyari talaga na nagreklamo, iiyak na lang talaga ko kasi pota ginawa ko naman na lahat talaga ng keri ko. Hay naiiyak na naman ako π feel ko ang hirap na bumalik sa dati kasi sobra na yung trauma ko dito. Nakikita ko din na pagod na si Mama kakatanong ko, hay bahala na nga. Anyways, may job interview kami sa subject namin sa engineering management. Dapat talaga 1 pm start nun kaso naging 4 pm haaaaay ready na ko eh hahahaha tapos nakakainis pa tong internet, grabe GLOBE!!!! NAPAKAWALANG KWENTA NG SERVICE NYO GRABE WALA NA KO MASABI!!!! Ayon sa school tuloy ako naki-internet ulit, inabot na kami ng 7 pm kasi tae pang-huli ako hay hirap talag ng V surname, huli lagi. Katakot pa sa school kasi ang dilim plus school yun daming kababalaghan don hahahahaha buti na lang sumama si ate para tatlo kami nila mama. Tapos nung kakain na ng hapunan, nagsermon na naman si Papa sa mga kalat/gamit ni mama sa bahay as usual, sanay na kami. Hay naaawa na nga din ako kay Mama minsan kasi hay basta ayoko ng ganon na relasyon pag may asawa na ko, never na never na gagawin sakin yung ganon di ako papayag. Sobrang hanga talaga ko kay Mama pag ginaganon sya ni Papa kasi tahimik lang lagi si Mama. Ayoko ng ganon talaga, yung tinatanggap lang lahat ng sinasabi ni Papa, di ko kaya maging ganon. Hay anyways di ako makapag-internet ng maayos kasi leche talaga tong Globe di pa ko makagawa assignment ko!!! May midterm pa kami bukas hay wish me luck na lang talaga π Hay, panibagong araw na naman na hiling ko paggising ko wala na yung account na yon, ilang araw pa kaya ako matutulog ng ganto? Hirap na lagi ko sinasabi sa sarili ko na wag na isipin pero ang hirap pa din talaga. Tapos may bago na ngang hawak na account yung scammer na yon, nakausap ko din kanina hay kelan ba sila titigil π grabe na yung trauma/perwisyo na ginagawa nila sa ibang tao, makonsensya naman sila. βΉοΈ