Sunday, November 15, 2020 22:30
Hello. Matagal ko na rin iniisip na mag-digital muna sa pagsusulat ng mga naiisip. Nasa stage muli ako na hindi na naman makahabol ang kamay sa takbo ng thoughts. Ang dami ko pa naman na gustong isulat yet hindi na naisusulat pa dahil hindi makahabol ang kamay.
Napaisip ako bumalik sa Blogspot ko, kaya lang ang concern ko lang doon ay baka may mga makakita. I’ll be writing too much personal stuff kasi, and I don’t want people who knows me to find out about this.
Anyway, ang daming thoughts na narito sa utak ko. Ang dami ko pa gusto ikwento regarding sa past blogs ko, and at the same time, gusto ko magkwento kung anu-ano mga nangyari nitong mga nakaraan.
Sobrang unstable ng emotions ko na naman nitong mga nakaraang araw. Ang lala ng rages and urges ko. Lashing out rage, and object banging urges. I also had suicidal thoughts and other thoughts that I normally don’t have. Nagkaroon na naman ako nitong thoughts kagabi. Sobrang lala talaga. Hindi ako mapakali. I forced myself to focus on watching Record of Youth sa Netflix and dahil iyon lang talaga ang kakayanin for that time.
I’ve been thinking na talaga to consult a professional. This was going on randomly for almost three weeks last October, and nito lang unti-unti bumabalik. I thought I was getting better nung papalapit na sa birthday, nung birthday na, at nung kakatapos lang ng birthday. Maybe it was also God’s birthday gift sa akin na I won’t feel those.
Nakakatuwa naman na somehow nailabas na rin yung ibang naiisip. Thank God!
Btw, may work na muli ako. Start na sa Wednesday. Hehe. I do hope na hindi stressful ang maibigay sa akin na work, and I think mangangapa na naman ako dahil halos 4 1/2 months din ako na-lay off.
Dude, bigla ako na-excite lalo magsulat dito sa mga susunod na araw. Hehe. Looking forward to elaborate some of the thoughts here.
Gusto ko rin ituloy ang ilang taong balak ko na maging anime reviewer. Haha. Nakaka-inspire lang na pwede pala magkaroon ng work from watching anime. Gusto ko ng ganoong work, yung tipong sobrang enjoy mo to the point na you’re not feeling working at all. Parang yung boss namin. Alam mo, nitong gabi lang, diba it’s a weekend evening, nagme-message pa rin siya sa Viber. Ganoon niya nae-enjoy ang kanyang trabaho. Personally, feeling ko ang hassle ng current job dahil hindi pa ako ganoon ka-passionate like my boss pero I do hope that I’ll be able to change that mindset na from hassle to fun.
Nawa’y magkaroon na rin ako ng magandang tulog. Tagal na rin nung huling mahimbing na tulog. Ilang buwan na rin ang nakakalipas. Sana maging maayos na rin ang body clock.