Activity Log - 11.15.2020
- Nito lang muli nagising ng maaga dahil naka-number 3 ang electric fan at may mga pusang naglalaro. Bandang 6:30AM ata. Usual na gising ko kasi around 9AM to 10AM. Masungit pa rin paggising ko. At lagi na lang masakit ang ulo ko tuwing gigising.
- Nagalaw ko muli ang logbook ko for board requirement, which is for me, a really BIG achievement dahil sobrang hassle kasi sa akin noon ang pag-asikaso nito. I really need to change my mindset talaga. It’s a self-concern.
- Lumabas kami ni Daddy para bumili ng Ilocos empanada, tumingin saglit ng sapatos, at bigas para sa doggies.
- Lunch is Ilocos empanada. Sobrang sarap talaga. Nag-enjoy kaming lahat at we find it bitin. Hahaha.
- Halos whole day pala ako naglalaro ng Tales of Wind sa mobile. Na-invite ako ni Kuya John doon sa laro and ang friendly ng people na mga nakilala niya online sa paglalaro rin. Binuhat nila ako. Grabe, from level 54 naging level 61 na ako dahil sa kanila. Huhu. Ang babait nila. Ang patient nila sa akin. Nakasama na rin ako sa wakas sa guild nila. Hindi ako makasali sa guild nila noon dahil walang nangyayari kapag ina-accept ko invite nila kaya sumali na lang muna ako sa ibang guild since na-invite rin ako ng na-meet ko sa game, bilang kapwa Pinoy din pala.
- Naka-reply na rin sa ibang Messenger chats. Grabe, Thursday nag-chat yung iba pero nitong gabi ko lang na-replyan. I should really improve my behavior as they’re also waiting for my responses din. I shouldn’t abuse their kindness talaga. Grabe kasi sarili ko. Kapag wala ako sa mood magreply, hindi ako magrereply at mangsi-seen dahil gusto ko talaga na full focus and attention ang maibigay ko kada response ko. I should really start being extra mindful talaga about other people’s times.