"Friday."
Hihintayin kita sa katipunan station ng ilang minuto o oras man yan. Para lang makita at makausap ka. Sabi mo mauna na ako pero ayoko. Pagdating hindi magpapansinan, minsan masungit, minsan ok lang, minsan tahimik, minsan maraming kwento sa isa't isa. Dadating na ang tren sakay na. Hinihintay maglegarda station tapos bababa na. Lakad ulit kain muna sa mcdo o bili sa lawson/7eleven. Paborito mo ang kitkat kaya binilan kita dahil gusto ko ngumiti ka. Pasok na sa school, pacheck ng bag kay manong guard at itap ang ID. Ihahatid kita hanggang SFC. Sabi mo huwag na ako umakyat pero makulit ako. Gusto kita ihatid hanggang 3rd floor. Di ka pumayag pero sinundan padin kita sabi mo thank you sabay yakap at bye. Masaya ako at hindi ako mapapagod dahil ikaw lang ang bumubuo ng araw ko.












