hello vonnie

shark vs the universe

@theartofmadeline
Not today Justin
cherry valley forever
taylor price
Misplaced Lens Cap

ellievsbear

No title available

#extradirty
KIROKAZE
PUT YOUR BEARD IN MY MOUTH
Lint Roller? I Barely Know Her
occasionally subtle
Color Me Curious

tannertan36
2025 on Tumblr: Trends That Defined the Year

roma★
untitled
noise dept.
seen from Italy
seen from Pakistan
seen from Tunisia

seen from Brazil
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from United Kingdom
seen from Netherlands
seen from Italy
seen from Uruguay
seen from Bangladesh
seen from Brazil
seen from United States
seen from Portugal

seen from Malaysia
seen from United States
@reynangrosas
Follow The Personal Quotes
So relatable 💯
This is me right now. I filed for half day leave at work for October 29 since I’ll be meeting up my friend. I also filed a whole day vacation leave for October 30, since I was residing near the biggest public cemetery in Metro Manila and there were road closures implemented for All Souls Day. Then November 01 and November 02 are weekends.
As someone who rarely (close to almost never haha) absent or file for VLs at work, it kinda feels like time is passing by so slow 😔
I am trying to pick up my old hobbies and love for Kdramas & variety shows but I lack motivation to do so. I don't have any other particular hobbies. I also tried to sleep but I can’t huhu hayyys 😑
It's my 12 year anniversary on Tumblr 🥳
Support Support lang ganern 🤭
May 17, 2025
A record of my dream 💭
I feel that I should take this down for a record. Okay! So this is about my dream and it was a sure weird one 😆 Di ko na maalala yung kabuuan, especially the beginning lalo na I am writing this ng gabi na. Why didn’t I think of taking this down the moment I woke up? Such a fool of me!
Honie and I were together in my dream. We were walking tapos she’s asking where to buy this scarminator cream. (Share ko lang na this scarminator cream, ako talaga ang user nito in real life for my insect bites kaya nga weird talaga ng dream ko 😭) Anyways, ayun na nga so we were walking and I happen to know daw kung saang store meron. So pinuntahan namin yung store na yon. But instead na maging about sa scarminator cream yung content ng dream, nag-iba naman bigla 😭Upon reaching the store, meron akong letter (as in sulat) na nakita and binabasa ko yon. Kaya another weird thing about this dream is 1st time kong managinip kung saan nagbabasa ako. I never had a dream like this before where I can clearly see the handwriting doon sa paper na intermediate pad. Medyo malalaki yung sulat. In my dream, I was reading the letter’s content aloud.
Walang exact detail if kanino addressed yung letter and wala din exact name kung kanino galing but based on the content, nagka idea ako a little kung kanino galing. The letter wasn’t for me but I guess it’s for a different person.
I can’t exactly recall it word per word but it the content is something like this:
“When we were still studying, medyo naiinis ako sa mga relatives mo kasi mahilig sila manghiram ng pera. Thankfully, I have some savings from my allowance” Again not sure sa exact words pero yan yung naaalala ko sa kwento sa letter. Then it became a lucid dream— bigla akong naging aware na nananaginip ako. But my dream didn’t stop. I was still there standing while holding the letter. Pero ayun nga, aware ako na panaginip lang sya. Tinuloy ko pa nga ang pagbabasa ng letter and this is when I realized kung kanino related yung letter. I continued to read and it was like this;
“Na-hire ako sa isang clinic where we both send an application after passing the board exams in August 2023. Okay naman ang income ko, I still managed to save kahit paano”
After that, nagising na ko. Oo, dumilat na ko. I was suddenly fully awake. Kasi siguro may clue na 😭 Bakit nawala bigla si Honie sa dream ko and ano na nangyari sa Scarminator Cream hunting namin??
I also remember being flustered when I woke up, kaya umupo muna ako while mouthing, “Lord, ano yon?”
Nasa isip ko yung dream. Malinaw pa sya, especially yung line from the letter na “Na-hire ako sa isang clinic where we both send an application after passing the board exams in August 2023.”
Ako na sa clinic nagtatrabaho as an HR 😭 Hanggang panaginip ba naman, work pa din? Lord, why? Haha.
Thinking about it, the letter is probably related to Ejay— one of our Med Techs. Sya lang naman ang na-hore ko na Board Passer from August 2023 MTLE na 😭
Malikot yung utak ko and it resonates yung “a clinic were we both send an application” so ang ginawa ko, nagcheck ako sa email ng previous application received ko when I was looking for a Registered Medical Technologist wayback 2023. Oo, para akong sira, I can’t believe myself na pinatulan ko yung panaginip ko 😭. I only have one clue from the letter, doon sa first part na, “When we were still studying” So ang ginawa ko, nagcheck ako kung may iba pa bang applicant na galing din sa University of Baguio where Ejay studied. I don’t even know bakit ko hinahanap, para saan? Haha.
Sobrang seryoso ko nung maga dyan, potek. Kahit nanay ko napansin na nakakunot yung noo ko. Why naman ako nag-iimbestiga ng umagang umaga 😭
Pero goosebumps pa nung may nakita akong na meron nga talagang another applicant na nag-aral din sa University of Baguio (where Ejay graduated) tapos passer din ng August 2023 for MTLE.
Syempre ang Ante mo, napa “Lord? What’s the meaning?” Why naman nagiging NBI early in the morning 😭 Girl yung applicant. Lalo akong na goosebumps when I carefully checked the details. Same day sila nag-send ni Ejay ng application pero magkaiba ng oras— around 11am si Ejay while sya maman is mga 1pm. So, kung hindi nag show up si Ejay that day sa interview, si Girl yung next in line na icocontact ko for the position. Ang aga na-excercise ng brain cells ko 😭
Si Girl ay born in 1999 but hindi sya sa UB graduate. See? Talagang chineck ko resumé nya 😭 Pambihirang weekend ‘to, instead na rest day naman! 🫣 Based sa resumé nya, 2015-2018 ang inclusive years nya sa UB. Howevee she earned the degree in BS MLS sa OLFU-QC. Maybe she transferred schools. Jusko kung nasaa ka naman Girl, pasensya na at nag-sisimp ako over your resumé. 😭 And since my brain is brainjng, I admit, chineck ko sa 201 files ni Ejay’s ang transcript of records nya 😭. Di ko din alam ano pinapatunayan ko dito sa pinaggagagawa ko eh. 2015 din ang admission year nya sa UB as BS MLS student and he graduated in 2021 so nag-abot sila ni Girl.
Ewan ko ba ano naisip ko bakit ko pinatulan yung dream ko 😭 Bakit naman need ko ma-discover na may isa pang applicant na nanggaling sa UB? What for, Lord? Haha. I stopped viewing applications na kasi nung settled na ko kay Ejay at hired na sya.
Ang funny nya but at the same time nahihiwagaan ako lalo na naging lucid dream sya bigla 🥲😆 Parang hindi naman nakaka Psych Major ‘to ano ba yaaaan! Hindi mapa-proud si Sigmund Freud saken nito oh, pero baka si Carl Jung, oo. Haha 😂 Psychology thing— collective unconscious
Factors ng mga nadiscover ko sa pagcheck sa email, hahahahaha:
1. Yung hitsura ng resumé ni girl, same sa format ng resumé ko even the accent’s color na gray (not kidding, girl bakit ganyan formallt ng resumé mo? Haha)
2. Her birthday is June 18, 1999. Na-rerecall ko, na-regular si Ejay sa work, June 18 din. Paanong di ko marerecall, walang kuryente nyan sa clinic! Para kaming pinarusahan nyan na sobrang init at dilim—11am to 4pm ba naman. Tapos nakapag pa sign lang ako sa kanya ng Regularization Notice, nung bumalik lang ang kuryente.
3. Girl, ikaw ba ang The One ni Ejay? Or ex ka ba nya? Bakit ako naman ang minumulto mo 😭 Hahaha. Not sure pa kung magkakilala sila, dapat wala na kong pake dito eh.
4. Both of them were August 2023 passer— which is same sa content ng letter in my dream and they both send the application on the same date, magkaiba lang ng oras.
Why naman ganun, Lord? 🥹 Di ko na din alam, bagtit (baliw) na ba ko? 😆
-----
I posted this late here on Tumblr, May 20 na. Also I’d like to update that this dream, nakwento ko na sya sa persons involved— Honie & Ejay. I really like na they were so cool about it— cool na may konting judgement, lols. Hahaha 🤣
Kay Honie ako unang nagkwento, Linggo pa lang alam na nya. Although I was hesitant kung worth sharing ba lalo na she has so much on her plate these past few days. But thankfully, she was able to find time na pakinggan ang story. Okay din sya i-share kasi bukod sa involved sya sa dream, kapwa Psych Major pa kaya ayun, parehas kaming nagtatry mag interpret 😆
Kay Ejay naman, na-share ko sya Monday after work. Naabutan ko pa kasi sya sa clinic before ako mag-out and we only find time na magchikahan after duty lang kasi sobrang busy lalo Monday nga. Although I hesitated a lot kung ishe-share ko din ba sa kanya. Kwinento ko din after a lot of hesitations. I feel validated kasi nung sinabi ko na about sya sa panaginip at sinulat ko sya sa notes ko, he said na ginagawa din nya yon minsan kapag yung panaginip nya, feel nya may meaning 😭 Nakaka happy lang kasi ang cool naman ng response nya, although pati sya nawirduhan hahahahaha.
And guess what din? He knows the Girl— the applicant I discovered na nag-aral din sa UB. He said na naging classmates nga sila and kilala nya sa face si Girl but they are not close close. He even said na baka kaya ko napanaginipan si Girl kasi baka magha hire kami ng Medtech 🥲
“Someone somewhere is searching for you in every person they meet.”
— Unknown
Let it be your guide.
📽️ February 07, 2025
A normal day as an HR personnel 🙂
Samahan nyo ko mag lagay ng files sa 201 folder habang nagcoconcert at self talk, hahaha 🤣
... AND IT BEGAN WHEN IT ENDED WITH YOU 🎶
When things get hard or complicated, I always find myself here on Tumblr— sharing and re-blogging random posts that reflect how I feel. Minsan kapag nababasa ko, doon ko lang din nare-realize na I can relate with it, you know the typical magic we feel na meron sa for you pages which can keep you scrolling). This has been one of my safe spaces on the internet for almost 11 years— if I remember it correctly, I am 18 when I made my account and mostly nung una about lang sya sa mga reviewers ko for Botany, haha. It also became my online diary where I share my honest thoughts, experiences, achievements and dilemmas thinking I can look back on it and see how myself at that particular age handled things.
Now that I am almost 30, (ALMOST lang kasi 29 pa lang ako, please! Hahaha) I am still here. As you might have guessed, nandito na naman ako kasi I feel like sharing.
As an HR Practitioner, grabe ang anxiety ko nitong early January. Kasi nga diba common talaga yung after December, kapag nakakuha na ng 13th month pay, marami nag-reresign, which we call in industrial psychology as “turn over”.
I am very vocal when it comes to expressing how much I am satisfied with our current pool of manpower sa clinic— especially sa Laboratory. So iniisip ko talaga yon especially with my experiences sa mga previous Med Techs namin na umaalis din after a year or even less.
I had in mind what Ma’am Gen (one of our employees with longest tenure) said, “Naghahanap lang yan sila ng nga experiences pampahaba sa resumé.” So parang tumatak sakin yon na “Oo nga. Baka next year, aalis din sila” (plural kasi yung tatlong RMT namin, hindi pa ganun katagal) Hehe
As 2025 progresses, napatunayan ko na mababaw ang kaligayahan ko. Kasi whenever I talk to our Laboratory Staffs tapos may mga nabibitawan silang salita na parang in a way assurance na magsstay sila, may ticklish feeling saken. Hahahaha!
Hindi ko alam kung natatandaan ba nila yung mga nasasabi nilang ganon pero ako, tumatatak talaga sa akin.
Example, yung Chief Med Tech namin na nakaka 5 months of employment pa lang at hindi pa regular, nag-effort sya to settle yung PTR nya for 2025, which is an ultimate hassle on her part dahil wala syang previous PTR.
Ito pala, story din about our Drug Test Analyst naman. We had our first salary for January 2025 nung January 10. Bago land din ang DTA namin, Aug 14 last year lang na hire so hindi pa sya regular and wala pa syang leave.
Nag message sya sakin after makuha yung salary and she has a question kung bakit 3 days ang absent nya eh January 2 & 3 lang sya wala. So I explained the same explanation na sinabi ng Accounting Head ... “Kasi Ma’am wala po kayong extension para ma-make up yung isang Saturday natin (4 hours)”
Since wala pa syang leave so wala pa sya pwedeng magamit.
Again, I became anxious kasi baka mamaya because of this, umalis sya or biglang di na pumasok ganun. This happened on Friday eh nung the following week, Monday which is January 13, pahirapan makapag commute due to National Rally for peace ng Iglesia Ni Cristo. But still nag-effort sya makapasok kahit sobrang hirap kasi from Fairview sya and yung way nya, doon banda yung maraming road closures. We also had conversations that day thru messenger kung nasaan na sya at kung gaano kahaba ang pila sa LRT. Buti na lang napa waived ang late that day. Na-share ko lang kasi to be honest, nag-overthink na ko nyan na baka maisip nya magresign or wah na magrenew ng contract or baka dahil sa nangyari, tamarin na sya pumasok or di na magtrabaho ng maayos yung mga ganung bagay ba. But thank God, hindi.
Also, our DTA, yung last PTR payment nya is 2021 so meron din syang lapses na 4 years. Since nakaka 5 months of employment pa lang din sya at wala pa syang leave credits, nag-absent sya for 1 day para i-try ma-settle sa kung saang possible na City Hall makakuha. Yung effort nila ng Chief Med Tech para ayusin yung mga nire-require kong documents, grabe! Weird ba kasi nata-touch talaga ko.
Eto, another story to tell. Meron akong slight concern about sa isa naming send out Lab. Ayaw na kasi nola kaming i-renew ng MOA dahil hindi naman na daw kami nagpapadala ng specimens sa kanila. Though alam naman nila na ang main reason is yung rider/messenger nila, ang daming dahilan bakit late sya makakapick up sa amin. So syempre, ibibigay na lang namin sa other Lab nna malayo ang locatio pero nakakapunta naman agad to collect. Anyways, yung send out Lab na ayaw kami i-renew, malapit lang sa amin tapos sa kanila kami nagpapa annual medical exam ng mga Laboratory Staffs. Also, may mga confirmatory tests kami na sa kanila namin nirerefer ang pasyente so need talaga namin na may proof of tie up/agreement talaga kami sa kanila in a form of contract.
Yung RMT ko na nakaka one year na, he said, “Hala Ma’am, paano yon? Eh sa kanila kami magpapa medical sa May diba?”
Nung na mention nya yung month of ✨ May✨, una kong naisip talaga, “So magsstay pa sya until such month kasi natatandaan nya na May naka schedule ang annual medical ng Laboratory Staffs”
And yung pinaka recent story naman is during the time na nagprocess ako ng Health Certificates namin for renewal ng Sanitary Permit. Need ko kasi mamili ng few employees na isasama sa kukuha ng health certificate sa Manila. Eh through app kasi yon na GoManila. So need mag create ng account, mag fill up ng ng mga personal details ganon. After, payment, sa araw ng appointment nyo kayo pupunta sa Manila Public Health Lab para sa Medical Exam. So sa Lab, I asked yung male RMT namin na naka one year na (the same RMT sa previous story) Pumayag naman sya. So after nya magdownload ng app, mag create ng account, tinanong nya ko kung pwede daw ba nya i-delete yung mga information after ma-release ng health permit. Kasi nga yung mga information kasi na nilagay doon, too personal ( like name ng mother, father, education mo and height, weight, address tsaka number, etc.) So sabi ko, okay lang naman na idelete nya pero after na lang marelease ng certificate. Then sabi nya, “Saka ko na lang ibalik yung information kapag po magrerenew na ulit”
Wala namang specifics pero ayun, may ticklish feeling na naman since it kinda implies na may intention pa to stay.
Yung mga simpleng nababanggit nila na ganon, na as if they were giving me sign na they want or plan to stay, natutuwa ako. Although alam ko rin naman na it’s too early to conclude and I am probably expecting too much. Alam ko naman, walang kasiguraduhan. Maraming pwede mangyari at magpabago ng isip nila as 2025 unfolds— lalo na, February pa lang.
This HR-related trauma of mine has its roots from my past experiences. I think apat yon na RMTs from 2022-2023 na puro naka 6mos (even less) or 1yr lang ☹️
Aminado din kasi ako, mababa ang sahod yet they truly deserve more. I can’t blame them sa paghanap ng mas magandang opportunity. Kaya thankful ako sa mga tumanggap ng offer kahit alam kong maliit.
Meron nga isa dun sa 4 RMTs, after mag cash advanced, hindi na pumasok ulit. Kaya grabe ako ma-anxious kasi ang hirap.
Dito na din nanggaling yung na-develop kong mindset. Kaya din last December, although wala akong turn over, nag-ask ako kay Aira if given a chance want nya ba bumalik. Halatang nag-reready na ako para kako madali na lang on my part.
Year 2022, I was so devastated. Nung nawala si yung previous Chief Med Tech— pangalanan ko na— si Sir KC. Ang tagal ko syang nakasama to the point na naging Father figure namin sya. Lagi ko pang sinasabi noon na kasama ko sya thru ups and downs. Nawala sya sa position because of his wrongdoings na kahit ako, hindi ko talaga kakampihan. I was just very disappointed and especially LOST kasi I’ve been working and relying with him for quite a long time. During those times na sya ang nagmamanage ng Lab, ang tingin ko maayos ang Laboratory— yung naging pamamalakad nya and all ganun ang dating saken. However when he was gone, doon ko na lang din napapagtanto na— magulo pala in reality. Since biglaan yung pagka dismissed sa kanya, ang pumalit na CMT, he is our youngest employee na naka isang taon pa lang at that time and after 3 months being CMT, nagresign din which resulted para mag-hire ako ng bago. Yung pumalit naman after him is bago lang din during that time, although experience wise, matagal na syang RMT. His tenure lasted for 11 months— umalis kasi mag-iibang bansa na. Na-stress pa ko kasi short notice. So diba, hindi na naayos ayos ang Laboratory and I can only give a deep sigh. Ganito kahirap maging HR. ☹️
September-October 2024 came. The time when napagsama sama ko yung pool of employees na nababanggit ko with the stories above, where in ang latest hired employee ko ay yung new CMT. Akala ko end of everything na dati nung nawala si Sir KC but then it became an, eye opener para sa akin. Yung akala ko dati na nagtulungan kami during license renewal of 2021, na-realized ko na ako lang pala mag-isa ang kumilos at nagkukumpleto ng mga nasa checklist. Kasi nung binabalikan ko yung experiences through my memories, he just often says na “Kaya mo yan Ma’am pag nalampasan mo yan, madali na lang yung mga susunod nating renewal”. Although nakakuha naman ako ng strength from those words of encouragement pero ibang help ang mas kailangan ko that time— yung act/kilos mismo na tulungan ako.
Clouded pala ang judgment ko that time. Kasi 2024, 3 years after 2021 na last kami nagrenew ng license, I was able to see better. Biggest realization ko na is ‘na-cleanse’ pala ang Laboratory when Sir KC left. Nag-improve, naging maayos, naging updated at mas naging harmonious. Pwede pala? Pwede pala yung ganito na may nakakatulong ako mag-update ng mga kulang? Ganito pala ang feeling kapag hindi mo kailangan hingiin yung tulong kasi kusa nilang ino-offer 🥺
Kaya nga as the title implies, “and it began when it ended with you”. Hiniram ko sa lyrics from a “healing/moving on song by Andi na nadaanan ko lang once sa Tiktok. Hehe! Parang ang nangyari kasi is a new era has started when the old one has ended.
In my mind, kapag nagre-replay yung sinanbi before ni Sir KC na “Kaya mo yan Ma’am pag nalampasan mo yan, madali na lang yung mga susunod nating renewal” tapos sinasagot ko na, “Mali ka Sir. Nalampasan ko yung dati at yung sumunod na renewal? Mas madali na kasi may nga kasama na kong gumagawa. Yung dating mabigat, magaan na.” I would say over and over again, they were the help I wasn’t able to find in 2021.
I’m so happy and I feel so blessed to have found coworkers who share the same work ethic as I have! I’m so proud of them na lagi ko silang ina-acknowledge and pinagmamalaki sa mga friends ko na dati ring employees 🫶🏼
Kaya nga if you were to ask me, super satisfied na ako sa kanila. I really want them to stay kung pwede lang. Kaya I’m doing my best to be a coworker that they can rely on. In-encourage ko sila na don’t hesitate na magsabi ng mga kailangan nila or kung may concerns/questions ganyan.
But then, when realization hits, I also think that wanting them to stay longer is a greed— my greed, my selfishness.
I was about to tell another story— and it’s petty long. Haha! Kung gaano ako happy whenever I get to hear signs na they plan to stay, syempre grabe din balik ng anxiety ko if ever naman na may sign/stories na baka aalis na sila.
Feb 13, regularization day ng aming DTA (yehey! Naka 6 months na sya and magkakaroon na sya ng leave credits) Nahihiya nga ako kasi wala pang salary increase. Hindi pa kasi talaga kaya.
So nung tapos na ako sa tasks ko as Psychometrician, nagpunta ako sa Lab. Busy pa sila kahit passed 5pm na kasi apat lang sila. Naka leave yung CMT (due to her father’s funeral) tapos yung ASC naman namin, naka leave din dahil birthday nya. So ang nasa Lab lang ay sila 2 Lab Techs, 1 DTA & RMT.
Nag-offer ako help kasi nilalambing ko si DTA about signing her regularization notice, Hahaha. I even asked, “Ano gusto mong kainin, Ma’am?”
Tapos naman na kami and nagreresulta na lang si Kevin. Alam ko na napagod sya sa grabeng 250 na drugtest last Tuesday na hanggang kahapon, may bumabalik pa.
May pinagawa sila sakin which is kumpletuhin yung details ng pasyente sa log sheet ng urine/stool at the same time magresulta sa topsheet mismo — 44 yung pasyente namin.
So dahil alam nila yung purpose ng pagpapaalila ko, mas lalo silang nagjojoke, hahaha. Like, “Parang last duty ko na ‘to, Ma’am” tsaka, “May in-applyan na akong iba, Ma’am eh. Training ko nga sa Sabado”
As a matampuhing HR, habang nagsusulat, sumasagot din ako, “Okay lang naman kung ayaw mo na Ma’am pero give me one month para makahanap ako bago. Hahanap ako sa The Medtech’s Lounge, ang dami kasi don nagpplug ng sarili nila”
Then tatawa lang kami kasi asaran lang naman. Tapos sasabihin ko din, “Di mo na ba kami love, Ma’am? Kita mo saan ka makakakita ng HR pwedeng alilain?” then nagdagdag pa ko, “Gusto mo Ma’am wag mo na bayaran yung PTR mo eh” tsaka, “Gusto mo sagot ko na bayad sa renewal ng PRC ID mo Ma’am”
Tawanan lang kami tapos biglang tumahimik ganon. Yung may dumaang anghel feels. Tapos nag seryoso din ako sabi ko, “Pero seryoso naman ako. Kasi everytime na may mareregular, sinasabi ko pa rin naman na wala naman masama kung gusto nyo umalis, like sino ba kami para pigilan kayo sa gusto nyo diba? Ang number one rule ko lang is wag immediate resignation. Give me time na makahanap ng kapalit at ma-train nyo bago nyo kami iwan. Inform nyo ko ahead of time”
Namilosopo pa ang DTA, sabi nya, “So dapat nga 7am kami nagsasabi Ma’am?”
Umirap ako, hahaha though alam naman naming biruan lang yon. Then I said ulit, “Kaya magsabi na yung magreresign dyan ah. Wag nyo na ko pahirapan” Pero tuloy lang ako sa sinusulat ko. Need ko magfocus kasi baka magkamali ako ng mailagay na resulta sa topsheet, mahirap na. Hahaha. Gusto ko lang makatulong baka makasama pa 🤣
Tapos sabi ni DTA sa other RMT, “Oh magsabi ka na dw, hahaha”
That time pare-parehas kaming nagsusulat ng resulta sa log sheets naman nya. Pero sumasagot naman sya, “Ay oo. Diba sa Saturday na yung training natin dun sa in-applyan nating new work?”
In reference, yung new work na tinutukoy nila is yung meme na magiging badjao na lang kasi ₱5000 ang kinikita daily 🤣
Then he added, “Bakit nung nagpapirma ka sakin ng regularization ko Ma’am, hindi ka ganyan? Walang mga suhol”
So ako habang nagsusulat, “Excuse me? Anong wala?” I try to remember yung time last year na nagpa sign ako ng regularization notice nya. “Hoy, nag brown out pa nga nun diba? Pumutok yung transformers tapos bumalik yung kuryente, pa alas singko na. Tapos nagmessage ako sayo na kung nasa Lab ka pa, akyat ka saglit kasi nga yung contract. Nung pinabasa ko sayo, napaka tagal bago mo pinirmahan. Nag-iisip ka pa. Tapos sinabi ko sayo na plus monthly allowance ka na ₱1,500. Then sabi mo kaya ka nagdadalawang isip na pumirma kasi nga pinag memed ka ng nanay mo. Tapos in the end sabi mo, Bakit di na lang sya ang mag doktor tutal sya naman may gusto tapos nagsign ka. Hahahaha”
Pilyong bata! Sorry, matalas pa memory ko.
Tapos sabi nya “Hindi pa naman ako magreresign. Hindi pa nga nag-o-one year yung manual na ginawa ko” tapos tumayo kinuha nya yung ibang papel na nasa akin kasi nga magreresulta sya ng blood chemistry naman. “Sabi nga sakin, wag na daw ako magpaabot ng June”
So kami, “Oh?”
So kinakalma ko yung sarili ko habang nagsusulat ako kasi mukhang seryoso. Tapos sabi nya, “Kausapin mo nga nanay ko, Ma’am Queen” while tumatawa.
“Ayyyy? Bakit ko kakausapin ang nanay mo?”
Tapos nagtawanan din kami.
Feeling ko about pa rin sa kinukulit sya mag-aral ng Medicine.
“Kaya nga kausapin mo Ma’am. Hahahaha.” Tapos pinaka natawa pa ko kasi sabi nya, “Basta pag may bigla ka na lang nareceive kang resignation letter ko sa email, hindi galing saken yon, sa nanay ko”
Hanggang tawa lang naman naman maisasagot ko. Sabi ko na lang “Pakausap mo sa Chief Med Tech nyo. Hahaha, kaya mo na yan, malaki ka na” Joke ko pa, “Kaya nga laging nakaready yung job hiring template ko eh”
Ang alam ko, nabanggit ko sa kanila na mag-o-overthink ako dahil dito— which is true na nangyari nung gabi. Kasi kung tutuusin, maraming RMT na naghahanap ng work, as in. Hindi naman mahirap makahanap agad unlike in 2020-2021 during the Pandemic. But since I have worked with these people, tumaas ang standards ko sa mga Med Tech 🥺 (pero yung sahod, hindi tumataas, huhu)
Sa totoo lang ang hirap makahanap ng may maayos na work ethic. It still amazes me kung paano ko sila napagsama sama. Nagamit ko na yata ang lahat ng swerte na meron ako. Partida, hindi pa ko nag-iinterview ng malala during hiring process.
Ang dami kasing rants doon sa The Medtech’s Lounge na group especially about mga behaviors ng ibang RMT sa work and reading those posts, nakakatakot makakuha ng ‘bad apple’ 🥲
Another pampalubag ng loob ay yung nandyan naman si Aira at RMT na din sya, baka gusto nya bumalik sa clinic.
Sa ngayon, may new person akong in-include sa prayers ko ✨yung mother ng isa naming RMT✨ Hehe! Sana she can let him na magdecide on his own— although I am not sure kung kasama ba sa desisyon na yon ang magstay sa amin or hindi, regardless! Ewan ko. Basta ganito ako lagi pag may situation na hindi ko na controlled. Si Lord na bahala. When all else fails, He is the only one na makapag dala ng enlightenment sa mga taong may clouded judgment.
This is what I'm talking about na parang ang selfish ko. Kasi aware ako na yung enlightenment na hinihiling ko for them, ay para talaga sa peace of mind ko. 😂 Please don’t blame me or anything— gusto ko lang talaga ng maayos na Laboratory Staffs. Pag na enlightened kasi sila diba, they will realize na “Ay oo nga parang hindi tama ‘to” so what will they do is to correct their actions.
Sa sobrang haba na nitong entry, I don’t even know how to end this. Balikan ko na lang to edit pag naisip ko na kung paano! Thanks for reading by the way, kung may nakarating man dito sa dulo. 😜
To the two of my best friends, Honielette & Aira Jean, please take note of this! 🩷