Hi, Tumblr. Matagal tagal na rin na huli tayo nagkausap. Matagal na ring panahon na hindi ko nasabi sayo ang mga tumatakbo sa isip ko. Siguro, masyado akong naging okupado sa personal kong buhay. O, hindi ko lang talaga kayang ilabas ang narararamdaman ko kahit sa ganitong pagsusulat.
Nalimutan ko na ata ang pakiramdam na magsabi sayo ng kaunting sikreto. Anga mga pabulong na sigaw na di ko alam kung may makakarinig o dapat bang pakinggan. Minsan kasi, parang drama, isang telenobela ang buhay ko na kapag may bumasa, pwedeng sabihing ‘pangit ang script’, paulit ulit, hindi magaling akting neto. Wala na bang iba?
Pero sa totoo lang, un paulit ulit na nararamdaman na yan, kapag hindi natuklasan kung anong pinanggagalingan, hindi nalaman ang totoong dahilan, at kung bakit kelangan paulit ulit na pitikin ka kahit sa gabing dapat tulog na ang diwa mo, sasabog ka na lang nang di mo mamalayan.
Hi, Tumblr. Andito uli ako. Wala man sa tono ang tugtog ng aking mga kwento, sigurado akong naiintindihan mo ang musikang gustong iparating ng boses kong ang tinig lang ay ang tipa ng kamay kong parang makinilya. Malay mo, hindi na pagdalaw ang gawin ko. At malay mo, masaya na ang magiging tema ng kung ano man ang pwede kong ibahagi sayo.