3-4 months na pero di parin ako nakaka move on kasi dapat sakin na tong motor na to. Inalok ako ng pinsan ko kung gusto ko daw ba bilhin tong motor na to kasi ayaw nya mapapapunta sa iba tapos alam nya na ganito gusto ko mga set up. So sabi ko sige ako nalang bibili pero hindi natuloy kasi di ako pinayagan sa bahay bumili ng motor. Ilang beses na kasi naaksidente yung is akong pinsan na parang kapatid ko na rin and lagi naiisip nina mama na baka maaksidente rin ako. So in the end canceled yung bentahan. Asang asa pa naman ako kasi nasa garahe na yung motor di ko lang magamit kasi ayoko gamitin kasi di ko pa napapalipat sa pangalan ko yung papers. Ilang araw ko rin iniyakan to kasi pinagipunan/trabaho ko naman yung ipangbibili ko. Sa kotse ko nalang daw gastusin yung dapat ipangbibili ng motor. Skl 🙂







