Dalawa ang maaring maging ibig sabihin ang kantang to. Maaaring patungkol ito sa isang tao minimithi mong mapa-sayo.O maaring sinasabi mo ang bawat liriko ng kantang ito sa isang taong nalulugmok na sa problema at nais nalang wakasan ang lahat.
Mas ramdam ko ang ibig sabihin ng kanta sa huli kong nabanggit. Nung mga oras na nais ko nang sumuko, nasa isip ko na ang sumuko, saktong nakilala ko ang Munimuni. Unang kong narinig ang “Kalachuchi” na nagbibigay ng payapa at pag-asa sa ating mga puso. Matapos nun, unti unti kong binubuklat ang bawat kwento na nais iparating ng banda. Hanggang sa inuulit ulit ko ang kanilang “Bawat Piyesa”. Nung una akala ko tungkol lang ito sa pag ibig at pag nanais ng isang taong makamit at maangkin ang isang tao. Isang tipikal na sulat para sa taong nais mong mapa sa iyo o di kaya naman kanta para sa isang taong ninanais mong makasama habambuhay.
Pero nung mga panahon na parang pakiramdam ko wala nang kwenta ang buhay ko,wala nang patutunguhan, itong kanta lang ang pinakinggan ko. Para kasing sinasabihan akong manatili pa muna sa mundong ito. Parang pinapanatag ako sa mga linya na may isang tao o may isang Nilalang na gustong pawiin lahat ng kalungkutan sa aking puso.
(via https://open.spotify.com/track/1tC2PLqLeJXt0VlgOYpc6m?si=TwUQTAwsR_WnSwii5i8qJw)