“11 years Love story of SEAMANloloko”
“One hour lang ako nawala, chinat niya yung online girl, may nangyari sa kanila. Sinuyo niya ako na parang walang nangyari.” -Runa
“1st boyfriend and 11 years kami.” -Runa
“Nag-training siya sa Cebu para mag seaman at binisita ko siya doon. Meron nagsabi na may kasama daw siya doon. After po noon ay siya po mismo yung nag-confirm. Nagkusa po siya.” -Runa
“Nagkaroon po talaga ako ng kasalanan, fling lang po talaga. Inamin ko po talaga sa kanya na nagkamali ako sa kanya that time.” -Cliff
“Pinatawad ko po siya kasi sabi ng mother ko, kung hindi ka magpapatawad hindi ka patatawarin ng Diyos.” -Runa
“Ilang taon na kayo niyan noong nahuli at pinatawad mo siya?” -Vhong
“Six years po pero naulit na naman sa Manila at pinatawad ko na naman po siya at naging martyr po ako. Pero naulit na naman ulit sa online. Last na po yun, hindi ko na kaya.” -Runa
“So cyberspace, nagloko ka, may mga ka chat. Sino yung chinat mo?”-Vice
“Ex ko po. That time po kasi hindi kami masyadong nagcha-chat ni Runa kasi busy din po siya sa negosyo niya kaya bumaling ako sa ex ko.” -Cliff
“Di naman umamin Paano mo nalaman?”-Vice
“May chinachat po siyang mga schoolmates ko, classmates ko kasi nakita ko yung account niya sa google at marami siyang china-chat na mga babae.” Runa
“Hindi lang pala yung ex, marami pala. So, you're a womanizer.” -Vice
“Anong reason mo?” -jhong
“Hindi na kasi si Runa nagcha-chat sa akin.” -Cliff
“Hindi. Hindi iyon yun. Bago pa siya na-busy ginagawa mo na rin iyon noon eh. Anong epekto ng pambabae sayo?” - Vice
“You're a womanizer. Kasi paulit-ulit, eh. Bakit paulit-ulit mo itong ginagawa? Do you feel good about yourself? And you feel bad kapag kinakarma ka na?” -Vice
“Alam niya kasing mahal na mahal siya ni Runa at alam niyang papatawarin siya nang papatawarin.” -Vhong
VICE: “Anong effect nito sa'yo? Panandaliang saya at init ng katawan na kailangang maibsan?"
“Opo.” -Cliff
“It's the init ng katawan eh. Nakakalimutan mo yung mahal mo pag hinahanap na iyon ng katawan mo. Ginagamit iyon ng demonyo kasi doon ka mahina. Pag nandoon ka sa puntong iyon, ang sarap noon. Panandaliang saya pero pang matagalang sakit at pagsisisi.”-Vice
“Yung cheating yung womanizing ano siya eh, sa una it becomes your mistake. Pangalawa it becomes your weakness kasi naulit until it becomes your lifestyle.” -Vice
“Nagbabago pa ba ang mga cheaters, ang mga womanizers?” -Vice
“May faith parin naman po ako kahit na nakagawa ako ng maraming beses sa kanya. Kasi once na rin po akong nasaktan nong bago po ako nagkakami. Talagang sinabi ko rin po sa sarili ko na di narin ako magmamahal ulit.”-Cliff
“Then nagkahiwalay po kami nong 2020 po. Then yung iniisip ko na baguhin ko na lang po yunh sarili ko. Until now po wala po akong babae, wala na po akong Girlfriend po until 2024 po. Yung inisip ko talaga na ayusin ko ang sarili ko muna bago ulit ako magmahal kasi talagang nasaktan ko po talaga siya ng sobra sa mga nagawa ko pong mali. “-Cliff
“So parang sinasabi mo naging ganyan ka dahil lang din sa traumang idinulot sayo nong huli mong relationship before her? “-Vice
“Opo” -Cliff
“So ngayon bago ka pumasok sa susunod kailangan maayos mo yung issues mo eh. You face your deal, you acknowledge your issues , you deal with it and you resolve your issues”-Vice
“Opo” -Cliff
“Yeah magandang bagay yun. Kasi marami tayong bagay na ginagawa lahat yan ay di naman talaga tayo. Yun ay epekto ng mga trauma natin pagkabata, pagbibinata, pagdadalaga, trauma sa pagtanda, trauma sa loob ng bahay, trauma sa eskwelahan lahat yan binago tayo.” -Vice
“Lahat naman tayong nagsimulang purong puro eh, mabubuting tao, mabubuti ang puso hanggang sa binago tayo ng napakaraming iba’t ibang mga pangyayari sa paligid natin. Kaya tama yun you acknowledge kung ano bang mga issues mo kung ano ang nangyari sayo noon, ano naging epekto nito . Gusto mo ba yung mga epektong to? Ngayon aalamin mo kung pano mo matutulungan ang sarili mo to become a better person.” -Vice
“Opo” -Cliff
“And you deserve another chance to redeem yourself. “ -Vice
“Ilang taon kana?”-Vice
“34 po”-Cliff
“Kaya yan, yung iba na redeem ang self, nakapagbago nong kwarenta na. Ikaw malay mo sa 35 di ba? Lahat tayo Nong nagkamali tayo choice natin yun eh, kaya yung makakabawi tayong lahat choice din natin yun” -Vice
“Napatawad mo na si Cliff?” -jhong
“Yes po. I know na magbabago siya pero hindi sa akin, sa ibang person na." -Runa
“Ang sakit na ikaw iyong biktima noong bad person era niya. Tapos ikaw iyong rason para ma-realize niya maling iyon pero hindi ikaw iyong makikinabang ng magandang pagbabago niya. Parang, ‘ako yung nasaktan eh pero sa iba siya bumawi.”-Vice
“Ikaw yung nag forgive, nag sacrifice, nagmahal pero nong bumuti siya sa iba niya naranasan yun”-Karyle and Vice
“NAGBABAGO ANG CHEATERS PERO SA TAONG HANDA NA SILANG MANINDIGAN.” ang cheater kasi late nila narerealize na di sapat yung nabibigay na fullfilment sa kanila sa mga pinaggagawa nila at minsan late na din nilang narerealize yung value ng taong minsa’y silang inibig pag ito ay wala na sa kanila.
#everyone
#everyonehighlightsfollowers
#chikaminute












