Bakit hindi pwede? Bakit ba ako nahihirapan? Bakit ba lagi ka na lang nandito sa isip ko? Oo tama, tamang nagrereklamo ako dahil sayo. Kasi nahihirapan na ako hindi naman pwede maging tayo, at hindi kita pwedeng magustuhan. Oo masaya ako, kasi nung mga araw na yun napapasaya mo ko, tapos naattached na ako sayo, tapos higit na sa crush yung nararamdaman ko para sayo, pero sinabi mo na ayaw mo magkarelasyon, kaya gusto ko ng tumigil. Ayoko na umasa na magchat ka ulit or what, kasi nasasaktan ako, lagi na lang ako umaasa na magkakaoras ka sa akin na aware naman akong imposible yun. Di ko alam kung manhid ka ba o ano, pero oo mahal na nga siguro kita. Pero mahal, hindi pwd, kasi alam kong masasaktan lang ako.












