ANG KAMALAYAN NG FEMINISMO SA PANITIKANG FILIPINO, SAD FEW NOTES ON CREATIVE WRITING BLOG #03
Bilang isang estudyante may responsibilidad akong maging mulat lalo na sa katotohanan, at lalo na rin isa akong Iskolar ng Bayan. Hindi ko kayang manahimik at manatiling bulag habang may nangyayaring hindi maayos sa bansa natin. At para saakin, isa sa pinakamagandang paraan para mailabas ito ay ang pag susulat.
Sa nabasa kong akda na Sad Few Notes on Creative Writing, nakakalungkot man isipin pero totoo, kasi may mga taong nag susulat para lang kumita ng pera at may mga taong nag susulat para takpan ang katotohanan at kikita ng malaking pera. Para saakin ang pag susulat ay hindi binibili ng ibang tao para lang manatili kang tahimik ka sa katotohanan, kasi etong paraan na ‘to marami ka nang mahihikayat na mga tao para maging mulat sa katotohanan, bayaran ka man o hindi. Dahil para saakin, ang tunay na manunulat ay hindi nag susulat lang para kumita ng pera, pero nag susulat ka kasi may gusto kang sabihin, may gusto kang iparating sa mga mambabasa, may bayad man o wala kasi passion mo ‘yon.
At para saakin ang pag susulat ay hindi lang para sa mga kalalakihan, kung hindi para rin saaming mga kababaihan. Ang mga makata ay hindi lang para sa mga kalalakihan, dahil para rin ito saamin. Dahil hindi naman bumabase sa kasarian ng tao ang mga kayang gawin. Hindi ko sinasabi dahil sa babae ako, pero masasabi ko na mahalaga ang babae lalo na sa Lipunan, bakit? Una, babae ang nag luluwal sa tao, at katulad ng mga lalaki, kaya ring lumaban ng mga kababaihan pagdating sa larangan ng siyensya, matematika, at iba pang Gawain na mayroong stereotype sa kasalukuyang lipunan. Kung tutuusin, noon pa naman pinaglalaban natin ang karapatan ng mga kababaihan, pero may mga ibang kababaihan talaga na hindi natin kaparehas mag-isip at dapat nating intindihin ‘yon, at bigyan ng Edukasyon na tayong mga babae ay hindi laruan at parausan ng mga lalaki. Kumbaga sa ingles ay pride nating mga babae n asana bigyan tayo ng respeto sa lipunan na ginagalawan natin.
Bilang isang babae, hindi ako basta-basta tatahimik lang dahil hindi ako apektado, pero sisigaw ako kasi alam kong kahit hindi ako apektado, alam ko sa sarili ko na bahagi ako nang kilusan pagdating sa pag sulong ng karapatan ng mga kababaihan, at para saakin bilang Iskolar ng Bayan, hinihikayat ko lahat, lalaki man o babae na ipaglaban natin ‘yung karapatan natin na maging ganap na katanggap-tanggap sa lipunan at hindi bilang isang “asawa” lang at “mag-aalaga” lang ng magiging anak natin, dahil babae rin tayo. Malakas tayo, at may paninindigan.














