Tayong mga Pilipino ay ganap na mahilig sa pagbabasa lalo na’t nasanay tayo sa mga kwentong kinalakihan natin. Katulad na lamang ng mga bugtong-bugtong, mga alamat, epiko, maiklang kwento, sanaysay. Lahat ng ito’y bumabagsak sa Panitikan. Ano nga ba ang panitikan? Bakit kailangang pa-aralan ang panitkan? At paano ba ito pinag-aaralan?
Ang panitikan ay isang aktibidad na nagiging kasanayan na natin sa pang araw-araw na buhay, nagbibigay ng saya sa mga oras na malungkot tayo, at kung minsan ang mga pantikan ay sumasalamin sa realidad. Marami itong genre kung titignan, mayroong pang-isports, mga kwento na ginagawang pelikula o kung saan tinatawag natin ang panitkan bilang libangan sa buhay. Ang panitikan ay puno ng piksyon o mga kathang isip lamang na nagbibigay daan satin upang lalong makapag-isip tayo ng kakaiba na hindi sumasalamin sa katotohanan. Ang panitikan din ay isang daan para makapunta sa lugar na hindi natin napupuntahan gamit ang isip. Realidad din ang sumasalamin sa panitikan, na kung saan ito rin ang dahilan para makapag-bigay daan sa katotohanan, dahil kung walang panitikan tayong mga tao ay sunod na lang nang sunod, ang kinaganda pa sa panitikan ay hindi ka nito huhusgahan kung sakaling ikaw’y nakakaranas ng parehas sa kwento, bagkus bibigyan ka pa nito ng ideya kung paano mo mairaraos ang problema na kinakaharap mo.
Mahalaga ang panitikan satin dahil sabi ko nga, ito’y nagbibigay ng saya sa mga oras na tayo’y malungkot. Kailangan itong pag-aralan dahil dito tayo nakakakuha ng ideya sa mga bagay-bagay, napapabilis nito ang oras maging hinaharap o mga historya na hindi natin nararanasan sa kasalukuyan. Kailangan din natin itong pag-aralan para mas maintindihan natin ang isa’t isa, matutunan natin maging mabuting tao, tinutulungan din tayo ng panitkan para maging matalino sa realidad at hind imaging mangmang o alipin ng Gobyerno. Sa panitikan sasalamin ditto ang katayuan ang kababaihan at kalalakihan bilang pantay lamang at walang ideya na mayroong “mataas” o “mababa”. Makikita rin natin ang mga katotohanan patungkol sa mga isyu sa lipunan katulad na lang ng mga mahihirap at mayaman. At katulad nang paulit-ulit kong sinasabi makikita natin ang katotohanan. Dahil, kung walang panitikan walang pag-iisip, walang kwestyon na mangyayari at higit sa lahat tinuturuan tayo hindi imaging mangmang.
Kung tutuusin ang Panitikan ay pawang katotohanan at pawang kasinungalingan, dahil ang panitikan ay may dalawang klase ang piksyon, at hindi piksyon. Maganda na malaman natin ang panitikan dahil binubuksan nito ang ating isipan at puso sa kung ano ang tama at mali. Ngunit, hindi natin makukuha ‘yan sa simpleng pagbabasa, matututunan nating pag-aralan ang panitikan sa pagre-relasyon natin sa kwento, matututunan natin sa kasanayan ng tao at pati rin sa mga bagay na ginagawa natin sa pang araw-araw na buhay. Dahil ang panitikan ay hindi naman ito katulad ng siyensya na puro pormulasyon lang, dahil ang panitikan ay sinasamahan ng buong puso at isip para matutunan ito. Eksplorasyon sa mga bagay-bagay at eksprimentasyon paano ito nangyari, na kung saan ito at magiging benepisyo sa mga mambababasa dahil natututunan nilang maging mulat sa isyu ng lipunan hindi lang sa realidad pati rin sa mga bagay na hindi nage-exist sa panahon ngayon. Nagkakaroon sila ng ideya para makapag-isip na may kulang at hindi perpekto ang kanilang buhay kaya kailangan mag sikap para maabot ang pangarap. Sa pag-aaral din ng panitikan ay kailangan ng “consciousness” o tinatawag na kamalayan, dahil naniniwala ako na pag ikaw’y nagbabasa, hindi ka lang nagbabasa bagkus nilalagay mo ang sarili mo sa binabasa mo, at hinahayaan mo ang sarili mo na gamitin ka ng kwento upang maranasan mo ang mga sitwasyon sa kwento.