After 3 and a half years! Finally! Would love to post more here since madaming kontra sa fb and I can't fully express myself because of other people's opinions. 🙄 Hi to my first ever post again! ❤️ Sana marunong pa ako.

if i look back, i am lost

shark vs the universe
almost home
EXPECTATIONS
Show & Tell
𓃗

Jimmy Eat World
Cosimo Galluzzi
macklin celebrini has autism
$LAYYYTER

bliss lane

No title available
No title available
Phantogram Three
sheepfilms
Today's Document

oozey mess
One Nice Bug Per Day
The Bowery Presents
noise dept.

seen from France

seen from Germany

seen from United States
seen from United States
seen from Mexico
seen from United States

seen from Malaysia

seen from Nepal

seen from United States

seen from Australia

seen from United States

seen from United States
seen from Italy
seen from Germany

seen from United States

seen from China

seen from United States

seen from Colombia

seen from United States

seen from United Kingdom
@shhrzd
After 3 and a half years! Finally! Would love to post more here since madaming kontra sa fb and I can't fully express myself because of other people's opinions. 🙄 Hi to my first ever post again! ❤️ Sana marunong pa ako.
I would like to end up this day talking about what happened earlier. Today, 12th day of March 2014, is our defense for COPAR. Copar stands for Community Organizing Participatory Action Research meaning we were assigned in a certain community wherein we help them identify their problems and help them find the solutions as well. Ang assigned area namin is sa Pasobolong. Although we already established rapport with my dutymates (dutymates naman na kami since first sem) so, all we have to do is to establish rapport with our new clinical instructor and the people of the community we were about to help. At first, site selection wasn’t that hard ‘coz we coordinated with the brgy captain and since he is familiar with the place, he suggested that the Zone 3 and Zone 6 were the areas that need the most help. So, since we cannot choose zone 6 due to some reasons, we end up na lang sa zone 3. It was a rough start though. Kasi ikaw ba naman, more than 100 persons including bata and matanda ang naging patients nyo within 1 day. Pero di naman ganun kahirap kasi weighing, kuha lang ng height, bp. Pero syempre more than 100 persons yun. 8 lang kaming nagtutulong tulong. Hahahaha. Pero kahit ganun, kahit nakakapagod, nakakatuwa lang pag nginingitian ka nila. Parang worth it. Haha tapos nun, syempre we need to conduct na our survey. Sobrang nakakapagod talaga. Since hindi patag yung daanan at elevated pa talaga, ayun na. Hirap talaga. Sabihin na nating, masasanay din kami pero to think na nagcocommute pa ko at ang layo layo ng paradahan mula sa school. So times 2 ang paghihirap ko. Pero ayos lang, at least nagkakaroon kami ng mga bagong kaibigan. :) Una naming na interview, si lola Collantes. Sobrang bait tsaka di kami pinagsarhan ng pinto. I mean yung iba kasi sasabihin wala daw tao para lang hindi namin si ibother. Hahaha tapos sobrang daldal ni lola kaya nauubusan na ko ng chavacano (since di naman talaga ako marunong), GO lang ng GO si lola. Tapos parang may problema sya sa mata kasi parang lumuluha luha, sabi nya ganun daw talaga. Pero nung naging malamin na usapan namin, nakukwentuhan nya na kami about sa private life nya tapos yung asawa nya das pumayat ng sobra dahil sa arthritis nya. Dating captain daw yun ng barko naging tricycle driver tapos sabi niya tinitest lang daw sya ni Lord kaya ngayon hirap na sya sa buhay. Nakakabelieve si lola kasi maginhawa daw talaga buhay nila dati kumpara ngayon pero nakukuha nya pa ring ngumiti at tumawa. Sobrang nakakatuwa :) tapos ibat ibang bahay na napuntahan namin sa zone 3(3 days/wk ang duty days) so within 3 wks natapos namin lahat i interview although 30 families lang out of 36. Kasi nga yung iba, minsan di kami pinapansin, yung iba sabi wag daw, yung iba naman mga napilitan lang hahahaha pero ayos lang, kasi kahit ang annoying namin kasi halos araw araw nakikita nila kaming naglalakad dun para lang mag house to house visit. As in 3 days per wk andun kami tapos dalawang beses pa sa isang araw. Hahahaha annoying talaga! Pero nung 4th wk which our first eneral assembly, nagdistribute muna kami ng mgainvitations. Yey! Kami ata pinakamatrabaho compared sa iba kasi mismong envelope ng invitations namin, kami lang gumawa. HAAA!! FULL OF EFFORTS AND MADE WITH LOVE <3 hahaha. Although nung distribution na namin, nalaman kong namatay na pala yung asawa ni lola collantes. As in, in total shock ako. Kasi kahit saglit ko lang sya nakita, parang nalulungkot ako para kay lola. Kasi naman, halos sa pamamasada lang ni lolo jose yung pinangkakain nila. Kaya sobrang heartbreaking talaga T___T pero moving on, nung assembly namin medyo kinabahan kami kasi di namin alam kung may dadalo ba kasi nasa isip namin, na aannoy na nga samin, tapos pupunta pa sila? Hahahaha pero siguro medyo napalate lang yung iba pero nung andun na sila parang nakakatuwa na ewan. Kasi more or less 80 persons yung umattend. YEY! to think na kala namin ayaw nila samin. HAHAHA pero habang kinoconduct namin ung assembly, may voting sila ng officers nila, tska dun na naman pinag usapan ung problems nila. May games din kami tska mga health teachings. At syempre di mawawala ang Foods. Sandwiches lang tska juice. Pero oy ah! Made with love din ung sandwiches. Kasi kami mismo gumawa at umuwi ako ng almost 10pm para lang gumawa nun. At ang layo pa naman ng bahay nung leader namin sa bahay namin. Wow! Malapit na kong marape ng wala sa oras. Hahaha pero worth it naman kasi masarap tsaka nag enjoy sila at syempre kami din. Kaya sobrang thankful kami kasi successful! Tapos nun same lang, house-to-house, interview saglit, rumarampa atnang aannoy lang. Hahahaha hanggang sa 2nd assembly na namin. Kahit masakit sa heart kasi less lang pumunta sa feeding program namin. Wala kasi kaming invitations pero personally namin silang inivite. Almost 60 lang sguro yun pero masaya na din kasi diba it’s better na meron kesa wala. Tsaka as in nagparticipate talaga si mam Teresa tska mam Tilos samin tska na rin yung iba. Kasi yun ung aim namin. Dapat involve sila sa pagluluto ng arroz caldo. Kasi hindi namin dapat sila ispoiled. Kelangan ng participation and cooperation. Kaya after nun almost 3 big calderos yung naluto namin. As in WOW! Ang dami!! Hahaha. Kala namin kasi more than 100 pupunta kaya naparami ng niluto kaya yung iba pinauwi na lang namin kila mam Teresa tska mam Tilos, tutal sila naman pinaka active nung araw na yun. REWARD na lang namin kumbaga. :) Tapos nung mga 6th wk na namin, nagdistribute kami ng mga seedlings para sa mga free spaces near sa bahay nila para may own silang mga gulay tska herbal plants. Tapos cleaning din tska nagsunog. Haha Wala lang, masayang experience lang. Yung amoy pawis ka na lang lagi kasi nga halos araw araw kayong naglalakad kahit tirik pa yung araw. Dahilan kung bat ang itim itim ko ngayon. Shet na malagket! Hahaha maitim na nga, umitim pa lalo. Hays. Hustisya please? Hahaha. Basta masaya talaga kasi nung last assembly namin, nagbigay ulet kami ng food which is nag upgrade kami at sumosyal kasi chicken at pinakbet ang ulam. Hahaha hmmmm. Nagutom tuloy ako bigla. Tska yung presence lang talaga nila importante during assemblies kaya thankful kami kasi kahit paulit ulit at sawang sawa na sila sa mukha namin, may nagshoshow up pa din kahit papano. :) Tapos nag house to house na naman kami para tignan yung mga tinanim nila. At ang nakakatuwang feeling pa dun, tumubo halos lahat. Haha Sarap kasi sa pakiramdam isipin na pag may mga bunga na yun, may makakain sila dahil sa inyo. Parang wow, nakatulong kami sa kalusugan nila kahit papano. Kahit indirectly pa yun pero yung point, natulungan mo sila. Hanggang sa umabot na kami sa defense namin today. YES! MAY DEFENSE PA KAMING DAPAT HARAPIN. Hahaha kagimbal gimbal na defense. May tatlong most respected clinical instructors yung pannelists namin. Syempre, sinong di kakabahan diba? Parang yung puso mo di mo na mahanap kung asan. Kasi halos lahat ng may pulses sa katawan mo lumalakas. Yung mga butterflies pa sa tiyan mo na palipad lipad. Although di naman talaga ako kinabahan nung una kasi okay lang, hindi ko alam bakit. Pero nung andun na, nakita ko na mga ci’s namin. Wow, bumaliktad tyan ko at napunta pa dun puso ko. Hahaha sobrang nakakatense tignan lang sila. @@ at ayun na, from school we went to pasobolong’s brgy hall wherein we held our copar defense. Medyo napalate yung ibang mga nanay na ininvite namin para magparticipate pero ayos lang kasi at least may dumating diba? Our presentation went well than what we expected. Kasi okay lang naman pala, kung makatakot kasi yung iba kala mo kakainin kami ng mga pannelists. Medyo bulol at uutal utal pa ko nun kasi trying hard talaga ako magchavacano. Kasi sabi wag daw english at magtagalog na lang. At since puro mga nagchavacano yung first reporters, trinanslate ko yung akin sa chavacano which somehow, not the right decision at that moment. Hahaha bigla ba namang nag mix mix yung sinabi ko from chavacano which is malimali to tagalog at english. Not sure kung gusto ko na bang kainin ako ng lupa o makitawa na lang din kasi tinatawanan nila ako. :( hahahaha pero at the end, okay naman. Satisfied with the outcome. :) pero unexpectedly, during conclusion ng report, medyo napapaluha na yung isa kong dutymate at syempre kasi daw napapaluha si mam Teresa. At ayun na, THANK YOU TALAGA DAHIL NAPAIYAK AKO NG WALA SA ORAS! -,- hahahaha Nakakainis naman eh! Sobrang attached na pala kami sa kanina without knowing. Yung tipong mamimiss daw nila kami tapos nagpapasalamat samin. At syempre sobrang tuwa. Sobrang saya sa pakiramdam na napamahal na daw kami sa kanila at naparealize namin na kelangan nila gumawa ng paraan sa mga problema ng community nila. Telling us na somehow, we helped daw a lot. Sobrang laki na daw ng naitulong namin. Syempre diba? Kapag ganun na mga sinasabi sayo, magfflashblack na lang lahat ng hirap at effort na binigay niyo pero worth it lahat. AS IN WORTH IT. ALHAMDULILLAH! THANK YOU, LORD! Sobrang contented at no regrets. Sobrang mahal na mahal namin ang people ng zone 3 ng Pasobolong! Hay. Sinipag talaga akong ipost to kasi to remind me na kahit konting tulong, basta may effort, participation, cooperation, nag eend up na maganda at nagkakaroon ng malaking impact sa both sides. They learned from us. We learned from them. And this is what copar is all about. Helping others to help themselves. What a great and super memorable 9 weeks stay in Pasobolong.
Remember: stretch marks are normal.
I feel sorry for the kids who didn’t grow up in the High School Musical era like damn, you really missed out!
I have 4 personalities:
1. When I’m alone
2. When I’m around friends
3. When I’m around my parents
4. When I’m around someone I like
Hoping with a fragile hope.
Motivational quotes
Slowly replacing the negative thoughts with colors and beautiful things.