Nag-brownout kasi sa amin. Mga alas-syete ng umaga hanggang alas-syete ng hapon. Nababagot ako... kaya natulog, bumasa ng libro (The Mysterious Benedict Society), kumain ng kahit ano.... at iba pa. Leche naman itong internet broadband (Globe) ko dahil kapag pinindut ko na iyong TEXT sa tumblr biglang nagtatlo ang ilaw. Tsk...(3x) Gusto ko din pumunta siya sa Siyudad at bumili ng bagong libro yung ikalawang libro ng The Mysterious Benedict Society kaya lang wala akong pera, nagtanong ako kay Tita Char kung pwede bang magpa-utang dahil alam ko bukas mababagot ako dahil wala akong makakasama pero wala daw siyang pera kaya... alam kong malulungkot at mababagot ako. Hindi pa rin tapos yung clearance ko, kailang pa daw ng interview chever ng Principal sa Highschool. Alam naman niya marami siyang gawin nung nakaraang biyernes at yung din ang deadling ng aming clearance...nagpa-interview(2x) pa siya. Leche... ayan na naman ang broadband ko mga anim na segundo lang apat ang ilaw pag-ipindut ko iyong Mozilla Firefox bigla namang nawala. Parang pinipili yata ng broadband ko kung sino ang gusto niya. Arggggh.... Leche. Nag-alala din ako na hindi ako maka-tapos sa pag-aaral dahil lang sa Calculus. Bakit ba mahirap ka Calculus o yung guro lang ba ang bumibigay ng mahirap na mga tanong? 115 ang buong puntos ng M.T kaya 57.5 ang pagpasar... 52/115 ako habang yung P.T ko 45/100 hindi ako nakapasar. T_T Ano ang gagawin ko. 75, 75, 74, _?_ Sana maawa si Ma'am Calacat sa akin.... kailangan nalang ng 74.5 para ako ay makatapos sa 4th yr highschool. Pero yung ibang seniors ang mas malala kailanga nila ng 85 puntos para makamartsa katulad ni Erich. Si Jasmin, 80 ang kailangan. Parehas naman kami ni Abigail (Kahit matalino siya... nagka-suliranin siya sa Calculus).... Siguro maawa si Ma'am sa akin dahil yung si A.J.L ( yung unang titik lang ng mga pangalan niya) na mas malala pa sa akin sa puntos sa Calculus, binigyan ni Ma'am ng awa.







