Nakilala kita sa di inaasahang panahon, Nagkatagpo tayo sa di rin inaasahang pagkakataon, Nagkasalubong ng tingin ang ating mga mata, At alam ko sa sandaling iyon na doon nagsimula ang kwento nating dalawa.
Sabi nila masarap magmahal, Sabi ko study first muna mas importante ang pag-aaral, Pero di talaga maiiwasan pag ang puso na ang tinamaan, Sapul ka kaagad ni kupido ng hindi mo inaasahan.
Takot noong una dahil sa mga haka-haka, Na pag unang pag-ibig daw masasaktan ka ng sobra, Pero sinubukan ko pa rin dahil alam kong mahal kita, At alam ko din sa sarili ko na di mo ako sasaktan ng basta basta.
Mahal mo ko iyon ang sabi mo, Naniwala ako kasi iyon din ang nakikita ko, Nararamdaman ko sa mga ginagawa mo, Ginagawa mong nakakakilig at mga matatamis na salitang nanggagaling sayo.
Tama nga sila ang saya nga magmahal, Ang gaan sa loob at ang sarap sa pakiramdam, Nagkakaroon ka ng inspirasyon gumising sa umaga, Makita ka lang at masilayan ang ngiti sa iyong mukha ay ayos na.
Ang saya pa natin noong una, Lagi pa tayong magkasamang dalawa, Lagi mo pa akong sinusundo at hinahatid sa ekwela, At lagi ding nagtetext at tumatawag sa gabi hanggang sa magpuyatan tayong dalawa.
Pero tama nga siguro sila, Sa una lang masaya, Sa una lang magpapakita ng magandang motibo at pag nagsawa na mawawala nalang bigla.
Pero pilit kong iniintindi dahil iyong ang sabi nila, Na sa pag-ibig di naman palaging masaya, Hindi palaging puro kilig at tawa, Dahil mararanasan mo rin ang iyak at pangamba.
Ngunit akala ko ganoon lang ang magiging problema, Na minsan magkakalamigan pero maayos naman, Na kung minsan mawawalan ng gana pero maibabalik naman.
Pero hindi, mali pala ako, Sobrang maling mali pala ako, Dahil ang akala kong mahal mo ako ay di pala totoo, Pag papanggap lang pala ang lahat ng ito.
Isang pustahan ng kaibigan niyo, Pusta na ang kapalit ay ang masaktan ako ng isang tulad mo. Na pag sinagot kita panalo ka, Na pag naging tayo sayo mapupunta ang pusta.
Sana pala hindi ko nalang sinubukan, Hindi ko nalang muna sanang sinubukan magmahal, Hindi sana ako magsisisi at masasaktan ng ganito, At hindi sana mapupunta ang unang pag-ibig ko sa isang walang kwentang taong tulad mo.
Hindi sana ganito kasakit ang nararamdaman ko
Kung pwede lang sana ibalik sa rewind ang istorya
Sana nakinig nalang ako kay Mama
Na anak mag-aral ka muna
eh sana walang pagsisi sa aksyon kung ginawağŸ˜#MalingAkala#Maling Panahon















