Express Runway
March 31,2015
7:42pm
Naglalakad kami.
Ramdam ko ang kaba ng puso ko habang lumalakad sa may gilid ng runway sa Airport.
Dumating yung point na tinanong nya ko, “May naalala kaba rito?”. Di ko inaasahan na dadalhin nya ako dun. Di ko rin napansin na papunta rin pala kami dun. Kung san nagsimula ang magandang samahan namin noon. Napatawa kami. Di ko alam kung ano ang sasabihin ko. Dumating yung point na.. Walang imikan. Sabi ko sa sarili ko, ‘Bat ganito? Ano ang ibig sabihn nito?” Kabado parin ako.
Moved on.
Oo, naalala ko yan. Siya lang naging kasama ko. Walang imikan, mejo madilim ang lugar at ang makina lang ng eroplano ang maingay. Nabibingi na tenga ko dahil sa kaba ng puso ko. Di ko alam kung ano ang itatanong ko matapos ang nangyari samin.
“ If two past lovers remain friends, they are either still In Love or never were ”
Linyang di matapos tapos sa kakaisip habang kami ay naglalakad.
DI KO ALAM KUNG BAKIT. KINALIMUTAN KO NA ANG LAHAT.
Dumating na yung lugar na dapat liliko na kami pakaliwa pero bago yun. Umupo kami sa may damuhan at nagkwento.
“May bago kana no?” Tanong ko
“Wala kaya! Saka na pag maging DL na ako. Walang sagabal” Sabi niya
Tinanong ko na ang dapat kong itanong at ibahagi ang nararamdaman ko. Di siya umimik at napatayo kami. Akala ko liliko na kami. Dumeretso ang lakad namin.
“Saan tayo? Ayokong binibiro mo ko. ALam mo kung saan?”
“ “
“ HUUUUY!”
“ Hindi ! Dali ! “
Umupo siya. At umupo na rin ako. Walang imikan. Napatingin kami pareho sa eroplano habang papunta na sa himpapawid. At napamangha sa mga bituin.
“ Ito yung matagal ko ng ireregalo ko sayo. “
“weh? Parang sa bookmark mo lang na ginawa ko. Akalain mo? Kulang nalang yung mga shooting stars o meteor showers! pero may dagat lang yun kase dapat sa Samal yun eh”
“ ensakto nga yun eh! Ikaw yung nakasama ko ngayon sa bookmark na yun!”












