Ang random naman nung panaginip na yon. 😅

if i look back, i am lost

izzy's playlists!
he wasn't even looking at me and he found me
ojovivo
"I'm Dorothy Gale from Kansas"
cherry valley forever
No title available
dirt enthusiast
Aqua Utopia|海の底で記憶を紡ぐ
Stranger Things

Discoholic 🪩

Origami Around

Kaledo Art
Claire Keane

titsay
tumblr dot com
Game of Thrones Daily
PUT YOUR BEARD IN MY MOUTH

oozey mess
noise dept.

seen from United States
seen from United States
seen from Türkiye

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from Japan
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from Malaysia

seen from United States
seen from United States

seen from Türkiye

seen from Brazil
@spidermarkz
Ang random naman nung panaginip na yon. 😅
Ano kaya ibig sabihin ng mga sulyap mo?
Day 46 - Sent the package for her birthday. ☺️
and now (Day 48) simula na ng “nervous week”
Lord ikaw na po ang bahala! 🥰
Surrender ko na po ito lahat Sayo! 🙇♂️🙌
Day 37 Praise Reports:
Though the night before this happened, habang nagddrive ako pauwi sa Skyway SLEX, umiiyak ako na parang bata. 😭
Kausap ko si Lord at sinabi kong ang sakit sakit na po. 🥺Bakit parang feeling ko walang development kay Ms.morning. Sakin ba ang problem at the same time, bakit ang ilap talaga pagdating sa girl.
Pero totoo ang words ni Lord! He’s close to those who are brokenhearted and crushed in spirit. Importante ang mga pag-iyak kay Lord.
Kaya kinabukasan non…
- Pag gising ko kaninang umaga, bungad agad message niya. (syempre kilig) Almost 2 weeks ba naman di nagparamdam eh. 🥺 Pero OK lang! Super appreciated how we talked.
Sobrang na-miss talaga kita Ms. Morning! Basta ingats ka always and walang pressure! Andito lang ako kahit ano mangyari. ❤️
P.S. More of this please? ☺️
- Wish bus invitation ❤️ Gulat ako na ako yung magiging arranger for Ellie at the same time, opportunity to play sa BUS! Privilege to be part of that next month! 🫶
- Lastly, patapos na room and studio/office ko! Malaki gastos, pero laban lang! Si Lord yung good provider natin! ❤️
ALL IN ALL, TO GOD BE THE GLORY!!! 🙌
Walang credits sakin dito! Kay Lord lang! 🫶
Day 31: Surrendering it to You my Lord!
Di ko na po alam san papunta ‘to Lord. Sobrang clueless na po ako at natatakot.
Pero ang alam ko po, kayo ang Diyos na nakakaalam ng lahat, Diyos na pwedeng pagtiwalaan sa panahon ng kagipitan at pagkatakot.
Sabi mo non kay Sarah at Jeremiah, “Walang Mahirap Sayo!”
Sana Lord sa panalangin at concern kong ito, maramdaman ko rin po ang pangako mong walang impossible at mahirap Sa’yo.
Surrender na po ako sa kalooban mo Lord! Wala na po akong magagawa. 😭😭
Sayo ko na binibigay ang nararamdaman at desire ko ngayon. 🙌
-Markz23
Day 31: GGWP na ba yon? 🥺
1 week alaws paramdam. Yun naba yon? 🥺👉👈
Day 23 (my fave number) of praying for you Ms.Morning! ☺️
What are those stories? Para sakin ba yon or nag-aasume na naman ako? 🥹
Sa first story mo, bigyan mo lang ako ng chance, hindi lang sa walking kita sasamahan. Ipag-ddrive pa kita sa mga lugar na gusto mong puntahan. Promise i will always find time everytime you need me. ☺️ Pag ikaw, pwede ako palagi! ☺️
Sa second story mo naman, inaaya mo ba ko mag coffee? The very first mistake i made was when both tayo nasa HK airport pauwi ng Pinas and di kita nilapitan habang nagcocoffee ka. 🥺 Syempre na torpe mode na naman at the same time, nahiya ako talaga.
Chance na sana yon para maging mas close pa sana tayo pero napa-urong na naman ako. Sorry po talaga.
Pero happy naman ako na parang you’re assuring me na you’re all alone having that coffee. Konting tiis nalang, sasamahan kita mag kape promise! Willing ako dayuhin ka diyan sa province just to have that long talks and long drives with you, babe? ☺️
I’m praying lagi sayo and i can’t wait na pagbuksan mo na ko fully ng pinto sa life mo.
I always pray to God na ingatan ka, your career and your family overseas. ☺️
You do take care po cause i care for you so much.
I miss you! 🥺👉👈
Gusto…
- sana batiin ka lagi ng magandang umaga at mag goodnight bago ka matulog
- sana kitang kumustahin ka palagi
- sana kitang maging kakwentuhan pa
- sana kitang maging ka-close
- sana kitang maging devotional at prayer partner
- sana kitang samahan san mo man gusto pumunta
- sana kitang kasamang mag-kape at kumain
at marami pang iba!
Oo Gusto KITA!!! ❤️☺️
Day 18 of praying for you Ms.Morning! 🙏☺️
I felt so happy sa message mo today! 😊
Honestly, sinadya kong di basahin ng dalawang araw ang messages mo para magpamiss ng konti. 😅
Di ko alam kung effective, pero parang effective naman. haha.. Di mo lang alam yung agony ng di ka agad sagutin. huhu..
Pero pinakilig mo naman ako sa reply mo. ☺️❤️
Thanking the Lord and appreciating you so much!
Magiingat ka palagi ha? Lagi kitang pinapanalangin.
At kung kelangan mo ng kausap, andito lang ako palagi. Promise! 🫶❤️
I Thank the Lord for your life Ms.Morning! ❤️
I can’t wait sa time na sana mas maging open kapa at mas makapagkwentuhan pa tayo ng mas deeper aside from music. ☺️❤️
Day 14 of praying for You ☺️🙏
Gusto lang kitang i-congratulate on your achievements! ☺️
Masasabi kong proud ako sayo and you work hard for it! 🫶
Your achievements are manifestations that you honor our God and your family! 😊 (kaya crush na crush kita eh)
Though i can’t express myself in public pa, and syempre torpe mode na naman, i still want you to know that i’m happy for you and your achievements! ☺️ Napakabuti ni Lord sa life mo! 🙌
This appreciation post is for you Ms.morning! ☺️🫶
P.S. I’m always praying for you and for us. ☺️❤️
Siguro kung same ng FB ang Friendster na merong “Who’s viewed me” feature, quota na ko sayo Ms.Morning ☺️😅
Day 10 done of praying for you Ms. Morning! ☺️
Di ko lang gets bakit pag nagmemessage ako, antipid mo magreply.
Pero pag nagbibigay naman ako ng space at ilang days na di nagmemessage, feeling ko hinahanap mo ko. 😅
Hanggang kelan moba kasi itatago yung susi for me? ☺️
P.S. Seryoso ako promise! ☺️
January 7,2025 at Exactly 10:57pm
How to open that door? How do i able to find that very important key?
Honestly, super clueless. Para akong nasa dilim na naghahanap ng susi sa kawalan.
Pero sige! I’ll take the challenge. Kaya ‘to! Laban!
Matthew 7:7-8 "Keep on asking, and you will receive what you ask for. Keep on seeking, and you will find. Keep on knocking, and the door will be opened to you. For everyone who asks, receives. Everyone who seeks, finds. And to everyone who knocks, the door will be opened".
#Persistency
Unang-una, Maligayang Pasko! Taong 2024.
Salamat sa Panginoon, sa pagkakataon na makaramdam ulit ng pagkakilig at pagka-gusto.
Matagal na panahon ding pananalangin at paghihintay bago dumating sa ganitong sitwasyon.
Oo, may takot at kaba kung itutuloy ba ang nararamdaman. Andaming insecurities.
Magugustuhan mo ba ko? Age gap natin at tinawag mo pa kong kuya. Reply mo sa mga messages ko na minsan delayed or di napapansin.
Yun bang pakiramdam na parang nakukulitan naba ‘to sakin? May chance kaya? Bakit ganito siya sakin?
Ang nega diba?
Di ko alam kung ganito ba ang pag-ibig. Halos isang dekada na kong walang karelasyon at very foreign ulit sakin ‘to.
Pero sa nararamdaman ko, wala sigurong masamang sumubok ulit? Oo takot akong mag-umpisa at takot din akong ma-refuse.
Sabi nga ng tito ko, kelan ka aamin? Pag 50years old kana?
Napagdaanan ko na yung hindi umamin for almost a decade at nung ready na ko, ilang araw nalang, kasal na niya.
Sa pagkakataon na ‘to, di ko na sasayangin ang oras.
Kung manalo, salamat sa Panginoon. Kung matalo, salamat parin sa Panginoon!
Ang masasabi ko lang, ikaw yung pwede kong sugalan ng panghabang-buhay.
Nanalangin na sana’y DUMALOY tayong dalawa.🙏
Salamat sa pag-gising sa puso kong natutulog. #A.M.
Hihintayin kita…
*Hanggang sa maghilom na ang naramdaman mong sakit at masamang alala ng nakalipas
*Hanggang sa panahon na ako na ang dahilan ng iyong pag-ngiti
*Hanggang maging handa kana ulit pumasok sa isang relasyon
*Hanggang sa panahon na ang aking musika ang magpapasaya sayo
*Hanggang sa maramdaman mong mahal mo narin ako
*Hanggang sa panahon na handa na tayong humarap sa madla at sumumpa sa ating Diyos ng ating habambuhay na pagmamahalan
*Hanggang sa makabuo na tayo ng sarili nating masayang pamilya
*Hanggang sa tumanda na tayong magkasama
Dalangin ko na lahat ng ito ay mauwi sa ating panghabambuhay.
Wala akong pakielam kung kelan at paano. Basta’t mag-aantay ako para sa’yo.
Ikaw ang gumising at nagbigay ng pag-asang maniwala ulit sa pag-ibig at pagmamahalan.
Handa akong masaktan para sa’yo. Dahil mahal kita.
Hinding hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ito.
Maraming salamat at nakilala kita at napasok ka sa buhay ko.
#SabiKo #HihintayinKita #Sana #Dalangin
Kung puso ko ay imamapa, Ikaw ang dulo gitna't simula - Ebe Dancel (at Makati City) https://www.instagram.com/p/Cnb_AdfPak8/?igshid=NGJjMDIxMWI=
While having my gig/busk yesterday at Festival Mall, a "pro photographer" took some shots during my set. 😊 Grabi ang lupit! Sir @jjtgubatan of JJTG Photography ❤️ Solid po! 👏👏👏 Maraming salamat po sir! 🥰 You know the drill guys! Please do follow his page (JJTG Photography) and please do consider to get him for your events and occasions. 😊 #Favored #Blessed #markzcabillanmusic #spidermarkz #JJTGPhotography #BuhayMusiko #buskersph #BuskingIsLife #acousticsolo (at Festival Mall, Alabang) https://www.instagram.com/p/CirgUvOpMBE/?igshid=NGJjMDIxMWI=