Balik tayo sa simula
Balik tayo sa simula noong lahat ay puno pa ng ligaya na bawat lingon ngiti mo lang ang aking nakikita bawat haplos pagmamahal lang ang nadarama
Balik tayo sa simula sa panahong ang lahat ay nasa ayos pa sa panahong nag mamahalan pa tayong dalawa sa panahong hindi ka pa nawawala
Pakiusap mahal bumalik nalang tayo sa simula sa simula kung saan malayo kong mapagmamasadan ang iyong mga mata sa simula kung saan ako pa ang rason ng iyong mga ngiti at tawa Sa simula kung saan kamay ko pa ang iyo hawak hawak at hindi sa iba
Pero mukhang wala kana talaga at iniwan mo na kong nag iisa kaya ako nalang mag isa ang babalik sa simula Kase noong una palang naman talga ako lang magisa kaya babalik nalang ako sa simula sa simula noong hindi pa kita nakikilala
--Miguel Guillén
















