Photos from last night’s gala, ayie. Look how clingy I am, gustong gusto ko lang siyang yakapin kasi ilang araw din kaming di nagkita, at ilang araw pa ulit bago magkita, hindi na kasi katulad ng dati na araw-araw magkasama kami, mahirap, oo sobrang hirap mag-adjust, na kung dati araw-araw mo nakikita ang taong mahal mo sabay biglang ngayon hindi na, pero kapit lang, wala pa to sa marami pa naming pagdaraanan.
Bago pa ang pagkikitang yan nagkaroon ng kaunting di pagkakaintindihan pa dahil sa magulo kong isipan, pero sobrang swerte ko lang talaga sa taong to, kahit naiinis siya hindi siya nagagalit sakin, napaka maunawain. Anyway, nag videoke lang naman kami at kumain, kasama namin yung dalawa kong kaibigan, babae at lalake, so kala niyo double date, pero magkaibigan lang yung dalawang yun.
Habang nasa bus kami pauwi at nakasandal ako sa kanya, amoy na amoy ko yung pabango niya grabe amoy pa lang kilig na kilig na ko, pero hindi yun ang iku-kwento ko, hindi ako tulog nung nakasandal ako sa kanya, inaamoy ko lang siya at nag-iisip, naisip ko, sana tong taong to hindi mag-sawa sakin, kasi sigurado na akong siya ang gusto kong makasama habang buhay e, parang hindi na ko magkakagusto sa iba kasi sobrang kuntento na ko sa kanya, payapa ako pag kasama ko siya, feeling ko lagi ako may kakampi. Nai-imagine ko na yung buhay na kasama siya, kahit simpleng pamumuhay lang, ayos na ayos na sakin.
My Treasure ♥







