Para sa mga taong umasa sa PANGAKO...
Title: Akala ko meron pang tayo..
Mahal naalala mo pa ba nong sinabi mong "babalik ako"
Naalala mo pa ba na minsan sa ating buhay ikaw ay nangako..
Nangako na tayo na hanggang dulo..
Nangako na kamatayan lamang ang makapag hihiwalay sa ating sinumpaan..
Sinumpaan na pinang hawakan ko..
At pangako na itinago sa aking puso..
Ngunit sinira mo..
Mga alaala na tinapon mo..
At pusong dinurog mo..
Mga salita na pinanghawakan ko dahil sabi mo "Babalik ako"
"Babalik ako.."
Akala ko babalikan mo ako..
Akala ko babalik pa tayo..
Akala ko "meron pang TAYO"
Akala ko.. akala ko lang pala..
AKO .. AKO nalang pala..
Ako nalang pala ang kumakapit sa sinumpaan nating dalawa..
Ako nalang pala ang bumabalik sa alaala na binuo nating magkasama..
Ako nalang pala ang kumapit sa pangako na akala ko'y bitbit mo hanggang sa dulo..
Dulo na tanging Kalangitan lamang ang makapag didikta,
Kalangitan na hindi masukat kung hanggang saan ang katapusan..
Ako nalang pala... ako nalang pala..
Mahal.. mahal parin kita,
Ngunit, Kung sakali man, na sasabihin mong..
"Mahal nagkamali ako"
"Mahal pwede pa bang ibalik yung tayo"
Please, wag na.. wag na ako..
Wag na ako ang durugin mo.. wag nalang ako.. dahil pagod na akong kumapit sayo..
Pagod na akong ipaglaban ang akala ko noong TAYO..
Tayo na sinayang mo..
Mahal pinapalaya na kita..













