Maraming taon na ang lumipas.
Hindi pa ba rin tiyak kung ang pag-ibig kumupas.
Sa una'y maraming nagtatanong, maraming nagtataka.
Hindi alam ang isasagot, tanging inamin na ang pagkakasala.
Paulit-ulit, muli't muli, sinabi ang pagkakamali.
Marami kaagad ang humusga, wala man lang pasabi.
Iba't ibang reaksyon, iba't ibang pag-unawa.
Hindi alam kung magagalit ba o matutuwa.
Sinusuyo araw-araw hanggang sa umabot ng buwan.
Hindi alam ang ginagawa sa kinalalagyan.
Ang buwan, naging dalawa, tatlo, apat hanggang sa lima.
Hindi man lang napansin at tumalima.
Iyon na pala ang hangganan at sumapit na ito.
May nakita, nasulypan, nagulat at hindi na nagtaka pa ng husto.
Alam na ang magiging kasunod na kabanata noon pa man.
Kung walang nangyari, tiyak na walang hanggan.
Nagkunwari na masaya ngunit sa likod ay masakit.
Inosenteng hindi alam na may dala palang pasakit.
Masaya, yan ang tanging sinasambit.
Ngunit may bakas, ala-ala at tali pang nakakabit.
Ang bawat araw ay naging mabagal at malumanay.
Ang araw ay naging buwan, naging taon, muli nabuhay.
Sa pagkakataong ito, masasabing nakalimot na.
Yan ang tanging sinasabi sa iba.
Masasabi kong tuluyan nang nakalimot.
Nagapi ang ilang buwang bumabalot na bangungot.
Sa muling paghaharap, walang kausap-usap o tanguan.
Sa sumunod, hanggang text man lang ang batian.
Sa mga susunod pa, darating ang panahon na makapagkwentuhan man lang.
Ibabalik ang dating pagsasamahan ngunit bilang magkaibigan na lang.