Sige at simulan uli natin from the top Kung pano ako nabighani ng mga mata mo kung pano bumagal ang mundo ko nung madaanan ka ng paningin ko Sige at simulan uli natin from the top Kung pano ko sinimulang mag-ayos para sayo, para mapansin mo, para bigyang atensyon mo Sige at simulan natin from the top Kung saan napansin mo ko at naging magkaibigan tayo na nauwi sa pagiging magka-ibigan na nga Sige at simulan natin from the top Kung saan sobrang mahal na mahal na kita na halos iluhod ko na buong mundo ko sayo at talikuran ang lahat para lang sayo dahil mahal kita. Sige at simulan natin from the top Kung saan nanlamig ka at ako nalang ang excited para sa ating dalawa tuwing may pagkakataong magkita tayong dalawa dahil sabi mo busy ka. Sige at simulan natin from the top Kung saan nangyari na ang kinatatakutan, alam kong may iba na pero ako tanga talaga tangina Sige at simulan natin from the top Kung saan ayoko paring bumitaw pero pinagtulakan mo na ko ng tuluyan Sige at simulan natin from the top Kung saan lumuhod ako sa harap ng tao at kinain lahat ng hiya ko para sayo Pero tangna ang manhid mo at pinakawalan mo parin ako Sige at simulan natin from the top Kung saan handa na kong mamatay dahil sa sakit na nadarama ko pero narealize ko nakakasawang maging tanga para sa isang tao putangina. Sige at simulan natin from the top Magsimula tayo uli from the top Ay mali di ka na pala kasama Magsisimula nalang uli ako from te top mag-isa. Para kahit papaano mahanap ko yung salitang ‘saya’. Tangina.
Sige at magsimula uli tayo from the top!














