#10 Noon at ang Kasalukuyan
(Mula sa paksa: “Wangis Ng Kasaysayan-Kapangyarihan,Repleksyon Sa Kasalukuyan”)
Dati ang ating Presidente ay mahinahon, Hindi palamura at hindi bastos, Sapagkat pinalaki siya ng magulang niya, Na maayos at may takot sa Diyos Maykapal. Tumagal ang panahon ng panunungkulan, Pero nanatili siyang kalmado at hindi pikon, Bukod diyan ay tahimik din siya sa lahat, Ano mang akusasyon ibinabato sa knya. Ngayon ang pumalit sa posisyon niya, Isang taong palamura, bastos at diktador, Na hindi alam kung maayos siya pinalaki, Kaya malamang wala siyang takot sa ating Diyos. Ilang buwan nalang ang nalalabi sa bansa natin, At eleksyon na naman ang pagkakaabalahan, Kaya naman dasal ng marami ay malagpasan natin, Ang pagsubok na dinaranas natin ngayon. Copyright © 2021 BALOCSIN DISCLAIMER: Dahil nahirapan ako sa Tautogram at parang barok pag binasa ung akin na last stanza which is ung pang apat ay hindi ko na itinabi at itinago pa un. kya ung original version nlng ng gawa kong ito at hindi na inilagay pa ung may Tautogram. Much better ung last stanza kong ito kesa ung last stanza na ginamitan ng Tautogram. sorry redundant.hehehe:)









