1/2/17
Out of nowhere nagtext si papang. Kamusta na daw kami? Parang right timing kasi may prob din kami. Tungkol sa approval ni daddy pero nauwi sa ibang usapan. Sabi niya hiwalayan ko na daw. From the start palang naman sinasabi niya na sakin yon pero hindi ko ginagawa. Ngayon di ko parin magawa. Di ko na alam. Hindi ako naguguluhan eh. Alam ko yung dapat gawin. Ilang beses ko tinry na sabihin yon kagabi nung magkausap na kami pero hindi ko matuloy. Nawawala yung boses kapag sasabihin ko nang, "tumigil na tayo, tama na". HINDI KO MAGAWA. Hindi ko pa kaya mag-isa, ulit. At lalong hindi ko pa kaya na makitang hindi na ako yung kasama niya. Nakakagago oo, ang selfish ko pakinggan pero puta mahal ko parin kasi. Nakakaulol puñeta. January ngayon tangina birth month ko at unang buwan ng taon. Sabi pa ni papang, "gelay ikaw ang magsisimula ng january". Di ko alam!!! Ang gara bat naging ganto kagulo lahat. I need signs? Tangina panggago lang yon. Kelangan ko lakas ng loob. Babae ka gelay. Babae ka.












