Let me kwento about last night’s getaway. First of all, ang successful niya HAHAHAHA. Just imagine nakarating ako ng north edsa without them knowing even a hint? I know its wrong, not partially but totally, pero what’s about being in your teenage years that you won’t be sneaky at times? 👅 All thanks to that chorale competition and musical play that I made reasons na mukha talagang kapani-paniwala mehehe. Second, sobrang kota! ❤️ Nung una nagkaka-ilangan pa or nahihiya lang? Pero after a few moments hinatak na niya ko then tadaaaa di na kami mapaghiwalay. Kilig ako beshy HAHAHAHA. Ang tagal na nung huling nagblog ako ng lively and kinikilig ako kaya dinagdag ko to para naman hindi puro hinanakit laman nito hahaha. 😂 So ayun nga, nung una nasa parking kami ng Waltemart Sta. Maria and kami lang natira sa van nila Edil. Hindi pa kami naglalandian non hahahaha wag daw masyadong hayok lol. Kinikilig ako habang nagtatype ngayon wthell!! 😬😂 Tapos dumating na sila Lester pati ate niya, sila Cherry at yung mga kasama niyang lumabas ng van. So nasa likod kami ni Ebin non and binaba pa niya yung something sa upuan namin para may hati kami like hindi kami magkakatabi. As if naman no! Siya rin nagtanggal eh hahahaha! Nagpophone ata ako non, nakasagad ako sa dulong right while siya sa left hanggang sa nagulat nalang ako hinatak niya braso ko tapos AAAHHHH nakaakbay na siya sakin. Ang lambot niya infairness. Warm hugs, I love those! 😭🤗❤️ AY JOKE MALI. Pero ayoko na burahin yung natype ko so flashback ulit… Hindi pala yan yung nauna hahahaha! Mas nauna pa pala yung pinamassage niya yung kamay niya sakin and then sinabi ko na hindi ako marunong magmassage pero kebs lang daw. Tapos hanggang sa bumitaw siya kasi inayos niya yung music tapos hindi na niya binalik kamay niya sakin. Meron pa nga yung pinaglalaruan niya yung daliri ko, pinapatunog ganon tapos napapahiyaw ako ng medyo light kasi poknay ang sakit. Walang halong landi. 😂 Ang ingay kasi non tapos sabi nung mga kasama namin “Hoy ano na nangyayari dyan” parang ganon tapos sabi niya, “Oo quiet lang siya”. Okay end of flashback na ata? Hahaha kahit naman itype ko dito lahat ng naaalala ko alam ko hindi pa to yung lahat and probably hindi ganito pagkakasunod non. Next time mag nonotes ako para in order na sa next blog HAHAHA. So going back don sa akbay, ayon nasa left nga siya then right ako. Nakaabay right arm niya sakin then hawak niya sa right hand niya yung right hand ko. Legit na ang landi mo Gelay. Hindi ko alam kung anong part na kami ng Sta. Maria yon or wala na rin kami sa Sta. Maria non kasi wala talaga kong makita kasi madilim plus wala na kong ibang naiisip hahaha. Kilig ang manang niyo charrrr! Napag-usapan namin kung kelan kami nagstart and sabi niya July 31 daw eh ang alam ko Sept 3 kami nagstart officially na nanliligaw siya. Ewannnn hahahaha! Inaantok na ko non and then I asked kung pwede ako matulog then sabi niya go lang. So tulog ako, bumabagsak na talaga talukap ng mata ko non. Maya-maya nararamdaman ko may gumagalaw ulo niya then parang may nagtatap sa left part ng ulo ko. OMG HE KISSED ME SA NOO. Well hindi sa airport kong noo exactly pero sa gilid. Gagi kala ko mamamatay na ko non. Pero syempre tulog kaya pigil-pigil din Angela Nicole. Eh hindi lang once yon, naulit pa ng naulit. Hindi ko na kinaya napangiti na ko buti nalang hindi niya nakita. Ibalik niyo ko don huhu now na. 😭 Mah heart mah soul 💘 Sabi pa nga niya basa daw yung halik niya hahahaha wapakels puh! So nakarating na kami don sa papuntang Nlex, huminto kami don para sunduin sila Mads. Binuksan na yung ilaw and tinaas yung door sa compartment. Kita ng lahat na binack hug niya ko habang nakaupo kami then lahat sila “Hoy bawal yon bitaw” ganon hahaha! Ang cute lang lol. Bumaba pa nga silang lahat naiwan nanaman kami sa loob. Basta ang attached ko sa kanya non. Wala eh, hinayaan ko na sarili ko. Minsan hindi lang dapat puro acads, mag-energizer ka ng landi para motivated hahaha. Tapos yun andar na ulit. Eh kaso nagsnapchat si Cherry so tinanggal niya yung pagkakapwesto namin. Pati nga yung pagkakahawak ko sa lap niya tinanggal niya eh kasi daw mainit. Natulog siya eh so hinayaan ko nalang. Pinatong niya yung ulo niya sakin then hanggang sa nakarating kami SM. Nagkekwentuhan pa nga ng katatakutan eh ang duwag ko pa naman don. So ayon na kami sa SM. Hiwahiwalay na. Syempre magkasama kami hindi pwedeng ako lang baka mawala ako. Ikooooot. Pabalik balik kami ng floor, from main to block, lakad at lakad ng mabilis. Nauwi siya sa man pomade imbis na dapat saktong 3k yung magagastos niya na panggift ko sa kanya. Ewan ko I had fun shopping with him kasi ang dami niyang alam. Literal, ang dami niyang alam about stores eh kami nga sa dept store lang madalas mamili. Siya puro boutique! Ang yaman talaga nito. 😂 Then natapos yon na bumili kami churros na 12 pcs na para kong bata nung nabili na namin. Di ko alam kung nawiweirdan na siya sakin non hahahaha. Then huminto kami nung kakainin ko na. Alam mo yung typical scenario sa mag-on na yung babae walang dala or kumakain siya tapos yung guy dala lahat ng pinamili niyo hehehe ganon kami. Naubos na yung churros and nagkakita-kita na rin lahat. So umuwi na rin kami para hindi matraffic. Otw to nlex para kumain, nagtext na si mommy kung kamusta but since wala akong load nakitext ako kay Edil. Then sa globe na number ni mommy ako nagreply pero si daddy pala may hawak kaya medyo panic HAHAHA. Galit nung una pero after hindi naman na, ingat nalang daw ako. Tapos nung nasa sasakyan na, balik sa dating ayos. Akbay, hawak kamay, intertwine, patong ulo sa dibdib niya. Then nawala na yung takot ko na umuwi late, alam na nila eh. Sabi ko kakain lang sa nlex. So pauwi na kami non then ang naaalala ko nalang nasa tollgate na kami then sabi ko malapit na yan mabilis lang naman kapag pauwi. Then sabi niya “Mga 5 mins nalang yan…” then kiniss niya ulit ako sa side ng head ko. Haaayy sarap sa feeling. 😌💓 Nagthank you ako sa kanya non then nung una wala siyang sinagot kaya napatanong ako kung narinig niya kaya siya nangiti tanong niya, “Anong sasabihin ko? No worries? Hahaha”. Nakarating na kami nlex then kumain kami sa kfc. Sagot niya, yun na yung libre niya sakin. 😛 Umuulan na non so takbo kami sa sasakyan, nahuli sila ni Lester makabalik may pinagusapan daw sila. Naiba yung pwesto nung bumalik kami sa sasakyan. Siya na yung nasa right ako na yung nasa left. Pero akbay parin hehehe. Kiniss niya ulit ata ko sa noo sa right side naman ngayon. Then hawak niya yung baba ko hanggang sa hawak niya na yung bibig ko. Sobrang lapit namin. Mga 3 inches apart lang charot hahaha! Pero no joke ang lapit namin. Unang hinatid sina Mads. Lumipat na si Edil sa harap na upuan namin kaya kami nalang natira. Hawak na niya yung tyan ko and ang taba ko nakakahiya hahahaha. 😂 Pinipilit ko pang wala akong bilbil kasi buo yan. Then pinabalik ko sa akbay. Naihatid na rin si Eka then ayan na, nagstart na siya humingi ng kiss sa lips. Tinatawanan ko lang. Nagkunwaring inis pa nga yun eh, sinuyo ko pa. Tapos sa huli joke lang daw. Lolomboy bound na kami pero sa highway nung pinapipikit niya ko at sabi ko pa, “Hindi ako sanay”. Sabi niya pumikit lang daw ako at wag akong didilat agad. Natawa pa nga ko then sabi niya daliri lang naman daw ipangkikiss niya tapos sabay patong sa bibig ko ng two fingers niya. So pumikit na ko. And that was it, he stole my first kiss. Dude I was speechless. I just smiled. Wala na mas mataas na ko sa heaven. Hindi ko kinaya. Harutan ganon with libog na usapan HAHAHA. Then after ata non or before di ko sure, nagpaalam ako sa kanya kung pwede ko siyang ikiss sa cheek niya. Sabi niya sige nung una nagdalawang isip pa ko pero tinuloy ko. Hinawakan ko yung right cheek niya gamit left hand ko then i kissed his left cheek. Damn boy that was my first time! Sobrang kaba na kilig na omg!! Then nakapasok na kami ng lolomboy kaya tinatanong na ko kung ano yung directions. Nakanakaw pa ng 2 halik ulit yan sa lips din. 2 in a row daw hahaha. 😋 Then yon hanggang sa binaba nila ko sa simbahan kasi sarado yung daan so nabasa ako ng ulan kasi nilakad ko yon mula doon hanggang sa bahay namin. Nakatulog na rin ako agad pagkauwi then naalimpungatan ng around 2 ata. Kinikilig parin at sobrang speechless sa lahat ng nangyari. Sobrang lakas ko kay Lord. Tinupad niya yung wish ko na maging successful yung lakad and all. Kaya to this night that had happened, thank you G so much! Pinakilig niyo ko that night. Kotang-kota. 👌🏼👅💓