Srsly hindi ko alam kung applicable ba tong tanong na to sa akin. Unang una kasi wala naman akong sariling closet. At kung meron man mga damit lang yun, shorts, briefs naming dalawang magkapatid na lalaki, hindi pa rin akin lang. Pangalawa, hindi naman ako yung mataluti sa gamit, or yung maayos sa gamit. Kaya yung mga personal things ko madali ko lang nakikita kasi pinapatong ko lang kung saan saan. Kabisa ko yun kapag magulo, pero kapag nalinis na naku hindi ko na alam kung saan mga nakalagay. Kaya siguro hindi ko na rin kinailangan hahaha.
Pero gaya ng karamihan, madami kaming closet na ang laman ay kung ano anong anik anik. Pulbo, pogs, laruan, salamin, papel, cotton buds, alkansya, lata, lastiko, thumb tacks, sari saring litrato, bag, at kung ano anong mga basura. Siguro kasi kapag may mga nakikitang mga bagay dun lang shoot ng shoot haha. Mas madami pa yung ganun namin kesa sa mga kapakipakinabang na cabinet.