#29 KUBLI
(Tulang Ipinasa sa “Para Sa Anino”) (Para Sa Kanilang Pangalawang Aktibidad) Isa ako na mahinang nilalang, Hindi marunong lumaban, Nanahimik at binabalewala lang, Ang sakit na nararamdaman, Sa pang-aaway sa akin ng iba. Akala ng iba ay ayos lang ako, At ang mga ginagawa nila, Pati ang mga kanilang sinasabi, Na nakakasakit na ng kalooban, Hindi nila alam nababaon na ito. Sugat na lumaki at lumalim, At naging pilat na sa puso, Na hindi na mawawala pa, Dahil sa hindi ito nakalaban, Kaya hindi na ito nakalaya pa. Copyright © 2021 BALOCSIN










