30secondsurfer (Tatlumpu’t Segundong Daluyong)
Pero bago ko simulan, naisip ko kung sa gramatikang filipino mali ang Tatlumpu’t segundong daluyong. (Kunwari marunong ako sa gramatika). Kung tatagalugin ang Thirty Second Surfer ay Tatlumpu’t Segundong Mandadaluyong o Tatlumpu’t Segundong Tagapagdaluyong dapat. Dahil ang tagalong ng Tatlumpu’t segundong Daluyong ay Thirty Second Surf. Wala yung “Er” na tumutukoy sa tao.
Fresh pa ako sa tumblr ng Makita ang URL na hindi ko maprefect basahin dahil sa pinaghalong numero at letra. So far bihira lang akong maka encounter ng taong gumagamit ng numero sa URL. Basta ang alam ko lang, nagfollowback sya. Hindi ko alam kung anong eksakto nyang sinabi basta parang ganto.
“Astig ng BGM mo! Parokya ni Edgar favorite ko yan! Haha! Hyper ko. ”
Yung mga pagkakataong ito ay madalas na kong tumitingin sa message box dahil napakasipag nyang mag TA Back. Pangalawa sa masipag magTA. Sumunod kay Sopasiology. Mukhang may makakasundo na ko sa mundong ito na pinasukan ko. Patok na patok sakin ang mga biro nya. Nasasakyan nya ang biro ko. Doon ko sya nakapalagayang loob. Sabay add sa fb. Biruan, Trashtalkan. At sa totoo lang, siya lang ang nabibiro ko ng ganito. Doon ko naging kaibigan si MYX.
Oo ikaw MYX.
Salamat, isa ka sa dahilan kung bakit may gana akong mag text.
Di sayang ang pagpapapansin ko dahil ikaw yung taong nagbibigay ng atensyon.
Sobrang bait mo. Di mo pinapatulan ang matindi kong moodswing pag nababadtrip ako ng super bliglaan.
Sorry kung masama ugali ko minsan at salamat dahil mapagpasensya kang tao.
Ikaw din ang nakakaintindi ng lubos sa aking Moniksionary. At sa aking mag Typo error.
Salamat sa pagbibigay ng hagalpak. Ng ngiti. Ng trash talk. Wala na kong masasabi. Mahal kita. Isa ka sa malupet na kabigan. San magkita tayo this 2012. Sana Makita ko ang balingkinitan momng katawan. Anh buhok mong malandi at malambot mong bewan na singlambot ng clay.
Iaadvance ko na ang dapat iadvance na mensahe. Sorry, Thank You at Mahal kita Kaibigang Neneng Basura.










