MARCH 1, 2016
Noon isa ako sa mga nanonood, nakikipagkwentuhan, natutulog, nagseselfie at nag aabang ng pagkain tuwing colloquium. Pero kahapon, March 1, 2016 isa na ko sa nakatayo(pero di kita sa stage), nagsasalita(naiiyak ang boses sa kaba) at nagpepresent ng ppt(na puro pink) sa stage.
Ang saya sa pakiramdam na isa yung topic namin sa mga nagpresent sa Colloquium. Nakakaproud dahil masaya yung magulang ko, mga kaibigan ko, ang partner ko at adviser namin dahil napili kami na magpresent. Kahit na dagdag trabaho at nakakapressure sa deadline, nakayang tapusin yung paper before the presentation day kaya nakakaluwag na rin sa sked para sa final defense. Nakakataba talaga ng puso na makasamang magpresent ang mga kabatch namin na magaganda rin ang mga Thesis topics , may isang prof na gustong gustong kunin yung study namin HAHAHAHAAHA at makamayan, makipag-groupie at icongratulate ng mga taga faculty members.
Sana malagpasan ko, namin ang buong month na to para HAPPY HAPPY NA SA APRIL!!!
THANK YOU LORD, ALWAYS!









