#78 MALAKASANG ULAN
(Based On: My Feelings Last Night) May nagbabadyang ulan, Sa kanyang pusong dumidilim, Na paniguradong kalakasan ito, At matindi ang bagsak nito. Hindi alam kung magiging bagyo, At kung gaano kabilis o katagal, Ang tatakbuhin at ilalagi nito, Sa buhay niya na pawasak pa lang. Kung maging bagyo man ang parating, Hindi sigurado kung gaano ba kalaki, Ang magiging apekto nito sa kanya, At kung makakabangon pa kaya siya. Copyright 2021 © BALOCSIN










