IKAW AT SIYA
Ikaw at Siya ay iisa, Para sa aking puso’t isipan, Bakit nabatid ko na ganyan? Dahil ikaw iyong taong nagpangiti sa akin, Siya iyong nagpakilig din sa akin, Kapag naalala ang alaala na nakasama, At nakabiruan ka sa ating eskwelahan. Ngayon, habang naaalala ko ung mga panahong iyon, Ako ay napapangiti ng bigla-bigla, At tumatalon ang puso ko sa tuwa, At kinikilig kapag naiisip ko na muli tayong magkikita, Balang araw sa taong ito kahit wala pang petsa, Na naitatakda at kahit malayo pa ito, Ang puso ko ay nagagalak na sa sobrang katuwaan. Iyan ang mga kadahilanan, Kaya’t aking nabatid na SIYA at IKAW, IKAW at SIYA ay iisa, Alin man sa dalawang iyan, Na kahit pagbali-baliktarin mo man, Para sa aking opinyon, isipan at damdamin, Iisa lang iyan, iisa lang KAYO. Copyright © 2020 BALOCSIN










