#9 Tayo ay si Eros
Writer’s Society Poetry Writing Contest Theme: “The manifestation of vices or flaws of Greek God and Goddesses.” Si Eros ay isang Diyos ng Pag-ibig, Na isa ding Greco na anak ni Aphrodite, Magaling din siya magpares ng ibang tao, Tulad ni Cupid na Roman God of Love, Ngunit hindi sila ligtas sa sakit ng pag-ibig. Gaya nalang ng isang doktor sa ugali, Na laging tumutulong sa may problema, At nagbibigay payo sa kanila, Sila man ay mahina din at hindi ligtas, Sa mga problema o pagsubok. Isa din ako sa halimbawa ni Eros, Sapagkat magaling ako magpayo, Sa mga humihingi ng payo tungkol sa pag-ibig, Kahit wala pa ako karanasan noon dito, Pero gaya nila ay hindi din ako ligtas na masaktan. Copyright © 2021 BALOCSIN















