ANON ANON ANON ANON ANON ANON-
ANON THIS ISN’T THE FIRST TIME I CRACKED SHIPPED A BLONDE GIRL WITH A PINK HAIRED CHICK!
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from Spain

seen from United States
seen from Norway
seen from United States

seen from United States

seen from Italy

seen from Malaysia

seen from Italy
seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from Türkiye
seen from Türkiye
ANON ANON ANON ANON ANON ANON-
ANON THIS ISN’T THE FIRST TIME I CRACKED SHIPPED A BLONDE GIRL WITH A PINK HAIRED CHICK!
A Talk With an Old Friend
Nag byahe ako patungong Parañaque, lulan ng aking berdeng Volkswagen Beetle. Sa di kalayuan, nakita ko ang isang bahay na hindi pamilyar sa akin. Isang munting bahay na may mga bintanang may blinds, at isang pintuang malaki na gawa sa bakal. Nandoon sa labas, nakita ko ang isang taong sobrang pamilyar sa akin. May hawak siyang Yosi at nakikipag kwentuhan sa isa niyang kapitbahay. Nahiya akong lumapit kaya pinanuod ko lang sila sa malayo. Di nagtagal ay pumasok na siya sa loob dahil tinatawag na siya ng kanyang asawa para kumain.
Hindi ko alam kung anong espriritu ang tumulak sa akin, pero bigla ko na lang nakita ang sarili ko na nasa tapat na ng bahay nila. Sinisilip ang loob mula sa bintana. Nakita ko siya doon, kasama ang pamilya niya. Masaya silang nag lalambingan at nakikipag laro siya sa kanyang anak. Kinatok ko ang pintuan, gusto ko lamang sana siya makausap, kahit sandali.
"Sandali lang." Sabi niya. Lumapit siya at binuksan ang pinto. Nagkasalubong ang mga tingin namin, at nagkaroon ng panandaliang katahimikan. "Pare. Gusto sana kitang makausap." Ang sabi ko sa kanya. Sinalubong niya ako na para bang ako ang kanyang Alibughang Anak. Inakbayan ng may ngiti sa kanyang mga labi, at dinala sa isang mataas at tahimik na lugar, at doon kami nag usap.
"Kamusta ka na, pare ko?" Ang sabi niya sa akin na may kasamang ngiti sa kanyang mga labi. Katulad ng kung paano niya ako kinakausap lagi. "Tagal na nating di nag kita, ah?"
"Ayos lang, pare. Eto, may trabaho na. Masaya na ako ngayon, di na tulad ng dati." Ang sagot ko naman sa kanya.
"Nasa'yo pa ba yung script natin nung play natin dati nung college?"
"Haha, nako, nawala na sa akin yun. Tagal na noon ah!"
"Haha! Naalala ko lang, pero sabagay, oo nga naman. O, bakit napapunta ka pa dito? Anong meron?"
"Gusto lang sana kita makausap, tungkol doon sa nangyari sa atin noon. Sa ating magkakabarkada. Hindi ko alam, pero namimiss ko din kayo paminsan minsan. Yung mga tambay natin, yung mga pag kukwentuhan natin kapag may mga problema. Yung mga tawanan natin kapag nag iinuman." Sabi ko sa kanya, habang nakatingin ako sa kalangitan na para bang hindi kalayuan. "Pero syempre, hindi kasama si * doon. Hindi ko pa rin siya mapatawad sa ginawa niya sa girlfriend ko."
"Hahaha! Eh, kahit naman pag ako nasa kalagayan mo, hindi ko rin siya mapapatawad eh. Mali nga naman yung ginawa niya, pare."
"Gusto ko lang sanang mag sorry sa'yo. Siguro, kinailangan ko lang bumuwag sa barkada para makilala kong mabuti ang sarili ko. Para maging buo ako. Para maayos ko yung relationship namin ng mahal ko. Hindi naman ako nabigo, pare. Masaya na kami ngayon sa isa't isa. Hindi na kami nagkakaproblema. Sa ngayon, masasabi ko na sa inyo na masaya na talaga ako."
"Mabuti naman kung ganon, pare. Pero alam mo, may mga oras din na naaalala ka namin. Namimiss ka din namin. Pero alam namin na kailangan mo yung panahon para sa sarili mo kaya hindi ka namin hinahanap. Inaamin ko, galit pa din sila doon sa mga ginawa mo noon, pero naiintindihan naman namin kung bakit mo ginawa iyon."
"Sa tingin mo ba, magiging maayos pa ang lahat?"
Tumayo kami at naglakad patungo sa isang lagusang punong puno ng mga taong naglalakad din patungo sa kung saan-saan. Napuno ng katahimikan ang kapaligiran. Inakbayan niya ako.
"Siguro, pare. Pero siguro, hindi pa ngayon. Pero, siguro rin.. Hindi kami ang mga kaibigan para sa'yo. Marahil ay sa kinabukasan ay may mga makikilala ka pang mas hihigit pa sa amin, at mas matutulungan kang lumago."
Naglakad ako ng may ngiti sa aking labi, sabay ng pagtulo ng isang luha sa aking mata, at nakita ko na ang aking Berdeng Volkswagen Beetle na nakaparada.
"Salamat, pare. Salamat sa oras mo. Pasensya na kung naabala ko kayo ng pamilya mo. Hanggang sa muli nating pagkikita."
Lumingon ako sa aking likuran, pero wala na siya doon. Nakikita ko na lamang ang lagusang aming dinaanan. Punong puno ng mga taong pamanhik panaog sa kung saan-saan. Mga taong hindi alam kung saan pupunta at hindi alam kung anong gagawin. Tumingin ako sa aking harapan, naglakad patungo sa aking sasakyan na may saya sa aking puso.
Hindi man nila alam kung saan pupunta, pero ako alam ko. Kailangan kong maglakad patungo sa aking kinabukasan. Move on, kumbaga. Kailangang magtuloy tuloy ng buhay, dahil hindi ito mag aantay para lang sa akin.
Dahan dahan kong idinilat ang aking mga mata. Nagising na ako sa katotohanan.