A letter that, again, I will not probably send.
Nakakalungkot na sa bawat araw matatakot ako na baka ito na yung huli. Yung huling araw na kakausapin mo ako. Alam ko naman eh. Alam ko naman na mahal mo pa rin siya. Wala naman akong laban dun, e.
Pero alam mo yung takakatakot? Yung nakikita ko yung sarili ko na kasama ka. I see a future with you. I can see you with me. Kaya kahit sobrang nakakatanga, kahit nasasaktan ako, kumakapit ako. Kumakapit ako sa sobrang liit na tsansa. Kahit sobrang liit lang. Nagpapakatanga ako. Kasi baka somewhere, deep inside you, merong space para sa akin. Kasi sa bawat araw na lumipas, kahit alam kong hindi ako, pinupuno mo yung puso ko. Kahit na ilang beses ko iconvince yung sarili ko na “hindi, kinakausap lang naman kita.” Every moment of every day that I get to share with you means so much to me. Sinasanay mo ako. At natatakot ako. Kasi alam ko sa dulo, pag bumalik ka sakanya, madudurog ako.
You may say ang bilis. Na tangina isang buwan palang. Pero di mo alam yung epekto mo sa akin. Di mo alam kung paano ko binaon yung pagmamahal ko sayo dati. Di mo alam yun. Di mo alam kung gano kasakit makita ka kasama siya. Pero sinumbat ko ba? Hindi. Hindi kasi alam ko masaya ka sakanya. Binaon ko kayo sa limot. Tapos lalapitan mo ako, para ano? Para iwan ulit? Para gawin mong pampalipas oras? Kasi wala siya? Kasi sinaktan ka niya?
Pero alam mo yung mas masakit? Naaawa ako sa sarili ko kasi nagpapagamit ako sayo. Na kahit ano sabihin ng mga kaibigan ko na itigil ko na, hindi ko kaya. Kasi kahit sobrang kapiranggot lang yung binibigay mo sa akin, masaya ako. Napapasaya mo ako.
Kahit alam ko na yung dulo, sumusugal pa rin ako sa baka sakali. And that’s on me. Kasalanan ko yun, diba? Kasi alam ko naman. I know what I was getting myself into. Kaya kahit hindi ko alam kung hanggang kailan mo ako kailangan, kumakapit ako. Bawal naman ako magreklamo eh. Masasaktan, iiyak pero bawal ko isumbat sayo. Kasi from the start, alam ko naman. Alam ko... pero masakit pa rin.
Am I just someone you’re using kasi galit ka sakanya? To ease your pain? To make you feel validated? Para may kausap ka? Kasi ano? Convenient ako? Kasi ako yung nandyan?
You don’t know how may times I wanted to stop. Na wag nalang. Ilang beses ko sinubukan. Pero di ko kaya. Pero deserve ko ba maging option mo lang?
Ayaw ko sana pumasok sa buhay mo ng magulo ka pa pero ikaw yung nagpapasok sakin sa buhay mo.
Kung mahulog man ako tuluyan, wag ka mag-alala, di kita susumbatan. It’s on me.
And for what it’s worth, I reallky wanted to make us work. Kasi nagsisimula na na mahalin kita ulit.
Lugi nga lang ako, kasi nandya din siya, nag-aantay para sayo. And this is a game that I am bound to lose. :)