Idlip
Det Guiamoy
Madalas ako'y pumipikit na lamang Sa tuwing kinakailangang kumurap ng aking mga mata Dahil ang tulog ay wala sa bokabularyo ng isang mag-aaral Na hindi nagpapadalaw sa antok hanggang sa pagdating ng umaga
Kahit anong kape ay papatulan Kesyo barako man o 3-in-1 May asukal o wala, may gatas o tsokolate At siya'y magiging kaibigang matalik sa gitna ng gabi
Tulala at balisa sa kakulangan ng pahinga Ngunit naisip na siguro ang lahat ng maaaring suliranin ng mundo Na wala namang kaugnayan sa paksang tinatalakay sa sanaysay na sinusulat Na pagdating ng ala una ng hapon impunto ay ipapasa na sa guro
Marahil sa pagsandal ng ulo sa nakatukod na braso sa mesa ang kasagutan Sa bigat ng dibdib at pagod na nararamdaman ng buong katawan Huwag lang ipikit ng matagal ang mapanglaw na mga talukap At baka bukas makalawa na ang petsa sa pagdilat













