KARTON
akda at guhit ni Det Guiamoy
Gabi-gabi,
sa mga eskinitang ‘di naaabutan ng liwanang ng buwan
may mga walang kamuwang-muwang
Dinadakip
Kinukuha
Walang kamuwang-muwang
Gabi-gabi,
sa aspaltong tigmak sa lamig
ang pagdaloy ng ligamgam na dugong pinandilig
Bulag ba tayo para ‘di makakita?
Manhid ba tayo para 'di makaramdam?
Gabi-gabi,
sa balita, sa usap-usapan, sa haka-haka
sa kapirasong karton
Tunay ba itong maituturing na patibay
Na ang nasasakdal sa pagkakasala ay dapat ipapatay?
Walang paglilitis
Walang alinlangan
Walang kinalaman
Walang kaalam-alam
Walang kamuwang-muwang
Gabi-gabi,
sa mga taingang bingi
sa mga 'di na maaaninagan ng liwanag ng buwan
Magsasalita pa rin kami
at hinding-hindi mananahimik
hanggang sa ang hustisya ay tayo nama'y lingunin
maulinigan man lamang ang mga boses na 'di na maririnig
Gabi-gabi,
paano ka nakakatulog sa kaalamang
may ibang hindi na magigising?
Ang pagbabagong parating
ay hindi na makikita bukas
kung ang mga karapata'y sa gabi pa lamang ay kinukuha
kung ang mga mata'y 'di na mumulat sa susunod na umaga
CARDBOARD LABELS
written and drawn by Det Guiamoy (English translation)
Every night,
in the alleyways never lit by the moonlight
are the unknowing
Abducted
Taken
Unknowingly
Every night,
on the cold of the asphalt roads
flows the warmth of pure thick blood
Are we too blind to see?
Are we too numb to feel?
Every night,
in the news, in conversations, in gossip
in weathered cardboard labels
Are guesses and accusations proof enough
That alleged souls be sentenced to their last breath?
No court
No doubt
Just crime
Just death
Unjust, unknowingly
Every night,
to deaf ears
to those who will never see the moonlight
We will still speak
and we will never be silent
until Justice will eventually turn to us
when she hears the voices we will never hear again
Every night,
how do you manage to sleep
knowing they will never wake?
The coming change
will never be seen tomorrow
if our rights are taken in the dark of night
if our eyes will never open the next morning
Para sa mga napagkamalan, napagtripan, napaglaruan, napagbuhusan ng galit na hindi naman karapat-dapat sa kanila.
Lahat ng tao ay may karapatang mabuhay, may karapatan sa pangalawang pagkakataon, gaano man kabigat ang kasalanan. Ituon natin sa paghilom at paglunas ang ating lakas at hindi sa karahasan at pagpaslang. Ang mga mahihirap ang nasasadlak sa walang katarungang pagpatay, mga mahihirap na hindi nabigyan ng pagkakataong mabuhay nang disente at kumpleto ang pangangailangan.
Hindi naman magiging laganap ang krimen kung nakakakain ang mga tao nang tatlong beses isang araw, nakakapasok sa eskwelahan at natutustusan ang mga pangangailangan.
Isang digmaan laban sa mga mahihirap ang nagaganap, at hindi naman ang mga tunay na utak sa pagpapalaganap ng pinagbabawal na gamot ang nahuhuli at napapatay ng mga awtoridad. Ngunit nagsisimula naman ang pagbabago sa pagsuko, sa pag-amin ng pagkakamali, at pagpasok sa rehab upang magbago. Huwag nating ipagkait sa mga nalulong sa masasamang bisyo ang pagkakataong maging mas mabuting tao na maaaring magsilbi sa bayan sa hinaharap.
Kahit naman may mga kasalanan ay hindi dapat pinapatawan kaagad ng kamatayan, sang-ayon man kayo o hindi sa death penalty. Dahil lahat ng tao ay may karapatan sa paglilitis sa hukuman, upang matuklasan ang kanilang mga hinaing, mga dahilan kung bakit nangyayari at ginagawa ang mga bagay-bagay. Kung may pagkakamali ay ikulong at patawan ng karampatang parusa, at ang mga nakakaalam lamang ng dapat gawin ay ang mga hukom at alagad ng batas. (Sana lang ay ginagawa nila nang maayos ang kanilang mga trabaho.)
Kung “anti” man ako sa kahit ano, ako ay anti-human rights violations, anti-vigilantism, anti-summary execution, at anti-extrajudicial killings. Hindi sa kung sino mang tao. Dahil kahit wala tayong ginagawang mali, maaari pa ding ma-frame up or kung anu man upang mapagbintangan. Dahil kapag nasabitan ka na ng karton sa leeg na nagsasabing nakagawa ka ng kasalanan, hindi mo na maipagtatanggol ang iyong sarili. Hindi na nakakapagsalaysay ang patay.
Tayo ang mga natitirang Joven Hernando. Tayo ang kabataan. Tayo ang mamamayang Pilipino. Naniniwala ako sa tamang proseso nang pagsasagawa ng batas. Naniniwala ako na tunay ang paparating na pagbabago.
Naniniwala ako sa due process.
#cardboardjustice #LahatTayoPosiblengDrugPusher #StopSummaryExecution #StopExtrajudicialKillings #SantaPatronaAdrienneOnday