Anez, Tiis S’ya
Natutuhan ko nang patigasin ang damdamin na parang titi ko lang ang nilalaro-laro ipapasyal-pasyal sa mga pantasya, hihimasin nang may pagmamahal sa sarili, may paninindigang matikas; ang tulad ko’y dapat ding masarapan. May karapatan na umiwas sa sakit. Maghimutok, ilabas ang inipon na samu’t saring sama ng loob nang walang nakakakita. Noong isang araw sa kubeta, ngayong gabi nama’y habang mag-isang nakahiga sa kama.
Natutuhan ko nang patigasin ang damdamin na parang titi ko lang ang nilalaro-laro pataas at pababa, paloob at palabas na paghinga, paghikbi, pagsinga pagtapos tumigas ng damdamin mamumugto na ang mata. Mapapapikit, ‘di sa sarap marahil sa bigat; sakit o baka napunta na sa rurok ng pagkamanhid para makatulog at mag-orgasmo ng panaginip na mabilis ding naglalaho.
—Antonio Panagu
“Ang tigas ng ari'y lagi’t laging mapapalitan ng lambot ng dila.” —Mabanglo, Ruth Elynia S.












