Buo na
Sino bang nagsabing ang pagiging mag-isa ang pinakamalungkot? Kasi parang mas malungkot na gumising araw araw na may mabigat na damdamin. May mabibigat na paa, na araw araw mong hinihila. May pagod na kamay na kailangan mong ipambitbit ng mga papeles. Kasi parang mas malungkot na gumising na baka di na dumating yung araw na magawa mo yung gusto mong gawin. Ang akin lang naman, gusto ko bumalik sa pag-aaral. Kuhanin ang gusto kong kurso, na hindi ko kinayang kuhanin noon dahil mahina pa ang loob ko. Pero ngayon, buo na ang loob ko. --










