Makakauwi Rin
Kung nawawala tayo Alam ko ang paborito mong pabango Mga paborito mong almusal At kung saan ka pwedeng kumain Alam ko rin kung saan ka madalas tumambay Para makipagkwentuhan at lumanghap ng nikotina Alam mo kung anong oras ako madalas gumising At kung saang sulok ako matatagpuan Kung anong gusto kong ulam At kung ilang tasa ng kape ang kailangan ko Kung nawawala tayo Malapit lang ang uuwian natin At kung nagkatampuhan man tayo Magkasakitan at magkalimutan Ng mga pangarap para sa Nalalapit at nalalayong bukas Uuwi pa rin ako sayo Uuwi ako sayo Tatakbo ako palapit sayo At alam kong kahit gaano katagal Kahit gaano karaming masasakit na salita Ikaw pa rin yung taong Kabisado ang hulma ng likod ko Kabisado ang mga espasyo sa pagitan ng mga daliri ko Uuwi ako sayo At yayakapin kita Kagaya nang pagyakap ng kamang Higit pa sa sampung taon mo nang Paulit ulit hinihigaan Alam na kung anong masakit Alam na kung saan ka kailangang bumaling Uuwi ako sayo At kahit pagod na tayong pareho Dito lang tayo Dito kung saan lapat ang mga pakiramdam natin Dito kung saan lapat ang mga pagod natin Dito kung saan walang huhusga sa atin Makakauwi rin tayo Sa isa't isa












