Ang aking unang guro ay ang aking pinakakamamahal na ina. Bata pa lamang ako ay interasado na ko mag-aral ng mga bagay bagay. Tatlong taong gulang pa lamang ako nung natuto ako ng abakada. Tinuruan akong magbasa at magsulat pati ang mga asignaturang Matematika at Literatura. Nabigyan ako ng pormal na edukasyon noong ako’y pitong taong gulang na. Sa tulong ng aking kapatid na si Paciano, pumunta kami sa Binan, Laguna para makapag-aral sa ilalim ng pamamahala ni Padre Justiniano Aquino Cruz. Ako ay nagpunta ng Maynila noong June 20, 1872 upang kumuha ng pagsusulit sa mga aralin ng Aral Kristiyano, Aritmetika, at Pagbasa sa Colegio ng San Juan de Letran. Nagbalik ako sa Calamba mula sa Maynila para dumalo ng kapistahan sa aking pagbabalik sa Maynila ay nagbago ang aking isip at nagbalak na pumasok sa Ateneo. Hindi ako agad tinanggap sa Ateneo Municipal de Manila dahil maliit ako, mukhang sakitin at matagal nang nagsimula ang pag-aaral sa taong iyon. Mabuti na lamang at natulungan ako ni Padre Manuel Xerex Burgos, pamangkin ni Padre Jose Burgos, upang makapag-aral sa nasabing paaralan. Pagkatapos ko mag-aral sa Ateneo ay naghanda akong mag-aral sa Unibersidad ng Sto. Tomas ngunit tumutol dito ang aking ina dahil ang pagkakaroon ko ng maraming kaalaman ay magbibigay ng panganib sa buhay ko. Hindi ako nagpapigil at sinamahan ako ni Paciano dito upang mag-aral. Noong Abril 1877 ay nagpatala ako sa unibersidad. Ang una kong kinuha na kurso ay Pilosopia Y Letra dahil ito ay gusto ng aking ama at wala pa akong tiyak na kursong gusto.