Walang kaibigan, binabackstabb sa klase at sa ibang klase, bagsak na mga grades na malabo ng mahabol, bagsak na quizzes na makakasigurado kang di ka na makakahabol, low self esteem, bobo, feeling maganda, walang kwenta, di pa nasasabi sa magulang yung bagsak na grades, galit pa kami ng boyfriend ko dahil selosa ako. Walang masabihan ng lahat ng to. Nanunuod na ako ng mga videos about depression at nakakarelate ako. May dalawang option daw..
1. Humingi ng tulong sa iba. 2. Suicide attempt
Konti na lang, konting konti na lang. Pipiliin ko na yung pangalawa. Di ko na kaya parang shet hirap i-explain kahit boyfriend ko pagod na ako intindihin. Soon iiwan na din nya ako nararamdaman ko. Wala na akong karamay feeling ko mag-isa na lang ako. Wala akong masabihan. Dumadating sa point na, naglelecture yung prof naiiyak ako, ang dami kong naiisip ko. Dami kong problema. Gusto ko na lang magpakamatay talaga. Iniisip ko paano ba tong mga nakausap ko lang ngayong araw paano kaya yung mga taong sinabihan ako ng kung ano anong bagay ngayong araw? Paano kaya yung mga prof na binigyan ako ng mababang grades? Eh yung pamilya ko kaya? Yung kapatid ko? Yung boyfriend ko? Sisihin kaya nila mga sarili nila? O wala lang? Ano kaya? Baka tska na lang sila magkakaroon ng pake pagpatay na ako.











