Paunawa: Ang lahat ng nakasulat, o nakatype sa post na ito ay opinion ko lang. Maaring mabanggit ang pangalan ng iba-ibang tao, pero maari o hindi maaring ganito rin ang kanilang opinion.
Kamusta ka na? Bakit ang layo-layo mo na?
Bakit ganun? Bakit sila yung pinili mo? Bakit hindi kami?
December 14, teatro sa Values.
Nauna kang manood. Nanood ka nung umaga, kami nung hapon. Hindi ba’t napag-usapan natin na kada teatro, sama-sama tayong pito? Parang, yun ang araw na magkakasama tayo, araw natin yun. Ang rason mo, iiwas ka kay Marco. Hindi ba pwedeng umiwas ka kay Marco na kami ang kasama mo? Tsaka nangako ka sa kanila na magshashopping kayo para kay Eiji. Yung shopping niyo, hindi ba pwedeng bukas na lang? Araw-araw naman kayong magkakasama e.
Dahil dun, nagtampo kami. Sumama loob ko sa’yo. Sobra. Sabi mo manonood tayo. Sinabi mo pa nga na twice kang manonood para sa’min. Pero, no. That didn’t happen. Nag-Trinoma kayo. Saya, diba?
Tapos nagtext ka nung gabi, sabi mo, ayusin natin. Oo naman, sure. Dumating yung Monday, akala ko naman kakausapin mo na kami tungkol dun, pero hindi pa rin. Nasaan ka? Na kila Gen. Woah there, akala ko aayusin natin?
Pero syempre, lumipas yun. Lumipas, pero hindi nakalimutan.
Habang tumatagal, lalo kang nalalayo sa amin. Dalas mo sa gala, sa sleepover, gabi umuwi, kulang na nga lang, magsama na kayo sa iisang bahay e.
Parang nung sa bridge natin. Nung nandun tayo kila Ange. Yung itsura mo nun, parang disappointed ka sa nangyayari. Sa bagay, nagkakaroon lang naman kasi tayo ng sleepover pag may gagawing project, hindi kagaya nyo, sleepover kahit wala lang.
Ang tahimik mo nun, halatang bored ka. Tapos, parang nadisappoint ka pa nung nalaman mong kaming tatlo lang yung kasama mo. E nangyari lang naman kasi yun para sa project e, hindi para sa ibang bagay, dahil wala pa tayong time para dun.
Contest namin nun sa UP, pero nung araw bago yun, malungkot ka. So pagdating ko sa school matapos yung contest, kasama mo sina Ralp, tas sinabi mo sa akin na mag-e-SM kayo. Bakit? Dahil napasaya ka nila. Wow. Parang di namin nagawa yun a. Binilhan kita ng book, kasi akala ko mapapasaya ka nun kahit papaano. Nung ibibigay ko na sa’yo, ayaw mo pang sabihin kung nasaan ka, parang ayaw mong paistorbo. Sorry, gusto ko lang namang sumaya ka.
Kelan lang, niyaya mo kami manood ng Starting Over Again. Akala ko, make-up shit yun, akala ko bumabawi ka sa amin, yun pala, hanggang dun, makikihati ako. First showing. Akala ko para mahaba ang time natin. Yun pala, dahil samin ka sa umaga, kanila ka sa gabi. Napakagandang hati niyan a. Anong oras nagbubukas ang SM? 10? Ang first showing, 11. Paglabas natin ng sinehan, 1, tapos na ang umaga. Sila na ang kasama mo, at andun kayo hanggang magsara ang SM. Mas matagal mo na naman silang kasama. Oo, nauna sila magyaya, pero hindi ba pwedeng next time na lang sila? Marami naman silang pera, kaya niyo anytime. Hanggang sa araw ba naming yun, makikihati pa rin ako sa kanila?
At dahil nga nalalayo ka na, minsan lang naming makausap, ang dami kong naisip na tanong.
“Bakit ganun? Bakit parang ang layo na ni Anna? Parang nag-iba. O siguro inisip ko lang yun. Ayaw niya na ba sa akin? Sa amin? Pag sila ba ang kasama niya, nakikwento niya rin kami, gaya ng pagkwento niya tungkol sa kanila sa amin?”
Ngayon naman, hindi mo na kami kinakausap. Hindi ka na namin katabi. Hindi ka na naming ka-row, lumipat ka na ng upuan, katabi mo si Ralp. Pag katabi ka naman namin, parang wala pa rin. Parang ang layo pa rin. Pag kinausap ka, nakakaramdam na ako ng barrier.
Alam mong hindi ko kayang makipagsocialize. Hindi ko kayang kumausap ng ibang tao. At hindi ko matanggap na yung best friend ko, pakiramdam ko, ibang tao na. Kaya hindi kita makausap, dahil natatakot ako, dahil hindi ko kaya.
Sinabi mo na inaako mo lahat ng sisi, at hindi ko kailangang mag-explain dahil nababasa mo naman. Alam kong matalino ka, at hindi sapat ang 140 characters para sabihin lahat ng nararamdaman ko tungkol sa nangyari. Nasaktan ako, Anna. Lahat ng nasaktan, kumikitid ang utak. Hinintay ko yung paliwanag mo, pero hindi dumating. Anong gusto mo, hulaan ko kung bakit ka umalis? Sa dami ng maling nagawa ko, alin doon?
Alam mo, hindi ka namin sinisisi. Tuwing nag-uusap kami, ang naiisip ko, ang tinatanong ko sa kanila, “Bakit kaya tayo iniwan ni Anna? Masaya naman tayong kasama, diba? Okay naman tayo e. Medyo gago at maloko lang talaga, pero diba, anong masama dun? Dahil ba corny tayo magjoke? May mali ba akong nasabi?”
Hindi ko ‘to pinost para sisihin ka. Nilagay ko lang dito ang mga bagay na baka hindi mo na marinig dahil di ka na malapit sa amin, o dahil di ko masasabi.
Kahit anong mangyari, tatanggapin pa rin kita. Kahit nangyari ‘to, kahit nasaktan ako. Kahit hindi kami yung pinili mo.
Tumatanggap na pala ako ng birthday gift! Pwede bang, yung explanation mo, yun na lang ang regalo mo sa akin? I love you xx
Pasensya ka na ha. Pasensya na kung hindi ko kayang manood ng sine the moment na inaya mo. Pasensya na kung di ko kayang magshopping kagaya ng ginagawa niyo. Pasensya na kung di ko kayang umattend ng sleepover dahil di ako agad pinapayagan. Pasensya na kung hindi ako sa Commonwealth nakatira. Pasensya na kung iba ang gusto ko sa gusto niyo. Pasensya na kung hindi ako kasingyaman niyo. Pasensya na rin kung iniisip ko muna kung paano ako kung buhay pa ako bukas at ubos na ang pera ko. Pasensya na kung palamura ako, at maloko pa rin, nasa loob man ng room, o nasa labas. Pasensya na kung hindi ko kayang maging kagaya nila.
Pasensya na kung nagkaroon ka ng kaibigang gago, akala ko tanggap mo ‘ko e.
Inuulit ko, ang lahat ng nakasulat, o nakatype sa post na ito ay opinion ko lang. Maaring mabanggit ang pangalan ng iba-ibang tao, pero maari o hindi maaring ganito rin ang kanilang opinion.