Malapit na akong grumaduate. Ilang araw nalang, lilisanin ko na 'yung paaralang naging malaking bahagi ng buhay ko. Apat na taon. Apat na taon kong sinusuot yung uniform kong napakaluwag sa akin. Apat na taon kong nilalakad yung tulay na blue sa may COA para sumakay sa jeep na Lagro Loob. Apat na taon akong nagbabayad ng sampung piso sa jeep, minsan hindi nasusuklian at minsan nama'y kulang ang barya. Sa loob ng apat na taon na yun, nagkaron ako ng apat na cellphone, nagkaron ako ng tatlong salamin, dalawang pencil case, at isang relasyon na hindi rin naman nagtagal. Sa loob ng apat na taon na 'yun, marami akong natutunan, marami na rin sigurong nagbago sa akin, pero ako pa rin naman yung matabang babaeng chismosa, madaldal, at moody.
Dalawang linggo na. Hindi ko alam kung saan nagsimula ang di natin pagkakaintindihan. Ilang version na ng mga storya, tweets, blog posts, facebook status, texts, advice, at opinion ang narinig at nabasa ko.
Hindi ko alam kung bakit, pero naiiyak nalang ako tuwing nakakabasa ako ng ganun. Siguro ngayon, susubukan kong ipaliwanag ang sarili ko. Dito sa blog na 'to. Kung saan nakalagay at nakatala ang mga bagay na hindi ko kayang sabihin, Mga bagay na kahit kailan, hindi ako nagkalakas loob para gawin.
Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Ipapaliwanag, mag-eexplain, paano ba yun? Hindi ako nagtatanga tangahan. Hindi ko talaga alam kung ano ang dapat kong ipaliwanag. Ipapaliwanag ko ba dapat ang sarili ko? Di ko din nga naiintindihan ang sarili ko e. Masyadong maraming bagay ang tumatakbo sa isipan ko, pero hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Sana hinamon niyo nalang ako sa math, baka nakasagot pa ako.
Hindi ako umalis, hindi ko kayo iniwan. Dumating lang siguro sa point kung saan naging malungkot ako. Dahil yun sa isang text. Hindi ko na maalala yung nilalaman nun, pero yun yung dahilan kung bat ako malungkot. Dumistansya ako. Kasi nung panahong yun, napakasakit para sa aking lumapit. Di naman ako plastik para magkunwaring masaya na ako. Kaya ako umiwas.
Yun din yung araw nung contest nila Jade. Madami akong kagagahang nagawa nung gabi nung araw na yun. Isa na dun ang di pagrereply agad. Sorry talaga. Tanga ako e. Yung forms nga sa UP di ko masagutan, tanga nga siguro talaga ako.
Habang tumagal, napapansin kong napapalayo na ako sa inyo. Tinry kong lumapit. Tinry kong makisali parin sa mga ginagawa niyo, makitawa sa mga pinagtatawanan niyo, ikwento sa inyo kung ano ano yung mga bagong chismis na narinig ko, Pero habang tumatagal, mas lalo akong naoop. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Hindi ako makasunod sa inyo. Para bang nagkaron na ng barrier sa pagitan natin, ako laban sa inyong anim.
Natakot ako.. Ano bang dapat kong gawin. Tinry kong matulog, baka paggising ko, okay na lahat. Tinry ko kumain, na siyang pinagsisihan ko kasi dapat pumayat ako nung prom. Triny kong kausapin kayo... Pero hindi ko masabi sa inyo kung anong gusto kong sabihin. Gusto ko kayong tanungin, ano ba dapat ang kailangan kong gawin para maibalik sa dati yung pagsasamahan natin?
Pero hindi... hindi ko maitanong sa inyo yun.
Nagsimula na kayong magpost ng mga pasaring sa internet. Nababasa ko lahat. Pero hindi ako nagrereact. Para san pa? Lalala lang naman kung may sasabihin pa ako.
Dumating na sa point kung saan umupo ako sa harap. Nakakatakot na kasing umupo sa tabi niyo. Para bang may harang. Para bang may sarili na kayong mundo. Para bang hindi na ako tanggap dito.
Hanggang ngayon, sa harap parin ako umuupo. Hanggang ngayon tinatanong ko parin sina Ralp at Almo, sina Rosel, Benedict, Kelsey, Genina, at Eiji, tinatanong ko sila kung ano ang dapat kong gawin. Oo, alam nila ang lahat. Nakukwento ko kayo sa kanila. Kayo lang naman ang nakukwento ko sa kanila e.
Sa ngayon, hindi ko na alam kung anong gagawin. Sabi ko kay Jade, gusto kong bumalik sa inyo. Pero natakot ako sa reaksyon ninyo. Akala ko.. maayos na.. Akala ko.. matatanggap niyo pa ako. May mga bagay siguro na hanggang akala nalang.
Pasensya na kayo ha. Tanga lang kasi talaga ako e. Tanga na nga, duwag pa. Kaya siguro ako iniwan ni Marco.
Wag kayong mag-alala. Hindi na ako magsusulat uli dito. Last ko na 'to. Pagbigyan niyo na ako. Naniniwala akong maaayos natin 'to. Pero naniniwala din akong may limitasyon ang lahat. Sana maintindihan niyo na kusa akong lumalayo pag nandun kayo kasi masakit parin sa akin na nakikita kayong magkakasama, pero alam kong hindi na yata ako magiging kabilang sa grupo niyo, lalo na ngayong isang buwan nalang ang natitira at magkakahiwahiwalay tayo sa college.
Pero kung may space pa rin naman ako dyan sa inyo... Gusto ko lang sana sabihin sa inyo na ako pa rin si Anna, yung piglet n naging panda. Mahilig parin akong kumain. Sira parin yung laptop ko. Galit parin ako sa Adlaon. Bullshit pa rin para sa akin yung mga katagang "I think we need to fix ourselves". Minumura ko yung mga taong may lakas ng loob para sabihin sa harap ko ang load, karton, wane, at we'll see. Allergic parin ako kay Marco, sa number 14 at number 2. Lagi parong 13yung number na binibigay nila pagnakakagat ko yung dila ko. Sa COA pa rin naman ako nakatira. Mahilig pa rin akong manyakap. At mahal ko pa rin si Marco.
Oo, Ange. Alam ko yung kantang Someday.. Sana alam niyo yung kantang Migraine. Yun yung kanta ko.. para sa inyo.